Press "Enter" to skip to content

74 Anyos Na Pensioner Sa Pangungutang Nalang Ngayon Umaasa, Ayuda Para Sa Kanya Saan Kaya Napunta?

Kahit pa may natatanggap na pensiyon ang 74 anyos na si Felipa Justo mula sa SSS, malaking bagay parin sa kanya ang Socail Amelioration Program  ng gobyerno. Ngunit tila napako na lang ang pangako dahil natapos na nga ang pamimigay ng ayuda, ngunit wala pa rin sa kanyang palad ang sinasabing tulong. Dahil dito, nanghihiram na lamang siya sa kanyang mga kakilala para kahit papaano ay matugunan ang kanyang pangangailangan sa araw-araw.

Ang mag-isang laban ni Nanay

Si nanay Felipa Justo ay mag-isang naninirahan sa isang tagpi-tagping bahay sa San Mateo Rizal. Wala na kasi siyang asawa dahil pumanaw na ito noong taong 2014 at wala rin naman siyang anak. Kaya ngayon sinisikap niyang buhayin ang kanyang sarili ng mag-isa.

74 Anyos Na Pensioner Sa Pangungutang Nalang Ngayon Umaasa, Ayuda Para Sa Kanya Saan Kaya Napunta? 2
Photo Credit: GMA Public Affairs

Ang isa sa kanyang inaasahan ay ang Php 1, 000 pensyon na natatanggap niya mula sa Social Security System o SSS. Aniya, kahit pa meron siyang nakukuhang tulong ay kulang na kulang parin ito sa kanya lalo’t mayroon siyang iniinom na gamot.

Ayuda, hindi parin natatanggap

Nang malaman ni nanay ang balitang mapapabilang na siya sa mabibigyan ng ayuda mula sa gobyerno, laking tulong ito sa kanya para sa kanyang pang-araw-araw habang mayroong pandemya.

Matapos ngang makapagpatala at lumipas ang ilang lingo, tila wala parin siyang nakukuha.

Aniya,

“Masakit po dibdib ko kasi [nag-fill] up na po ako ng SAP eh. Maghintay lang daw po ako…kalian po ‘yun?”

74 Anyos Na Pensioner Sa Pangungutang Nalang Ngayon Umaasa, Ayuda Para Sa Kanya Saan Kaya Napunta? 3
Photo Credit: GMA Public Affairs

Tugon ng gobyerno

Ayon sa DSWD kabilang sa makatatanggap ng SAP ang mga senior citizen, PWD, solo parent, buntis, OFW, mga mahihirap na katutubo, at pati na rin ang mga miyembro ng 4ps.  

Kaya raw hindi nakatatanggap si nanay Felipa ng nasabing ayuda ay dahil nga mayroon siyang nakukuhang pension mula sa SSS.

74 Anyos Na Pensioner Sa Pangungutang Nalang Ngayon Umaasa, Ayuda Para Sa Kanya Saan Kaya Napunta? 4
Photo Credit: GMA Public Affair

Sa pagdulog ng programang Imbestigador sa DILG ukol sa sitwasyon ni nanay Felipa, ani Usec. Jonathan Malaya,

“Para dito sa 2nd tranche ng SAP, ay nakiusap tayo sa DSWD na  kung pwede isama na yung mga pensioners na hindi nabigyan sa 1st tranche maisama na sila sa waitlist family na mabibihyan sa 2nd tranche.”

Panoorin ang buong ulat:

Source: GMA Public Affairs

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: