Press "Enter" to skip to content

75 Million Naman Daw! Isa Pang Pasikat, Timbog Sa Operasyon Ng CIDG

Isa na naman netizen ang hinuli ng CIDG-7 dahil sa pag post ng pagbibigay pabuya sa kung sino man ang makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

75 million naman

Ayon sa post ng suspek na si Ma. Catherine Ceron o mas kilala sa kanyang Facebook name na Ma. Enirethac Norec, handa siyang at at kanyang mga kasama na magbayad ng P75 million sa kung sino man ang makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

75 Million Naman Daw! Isa Pang Pasikat, Timbog Sa Operasyon Ng CIDG 2

“Dapat naman talaga mamatay yan si Duterte eh kami mag aalok kami kasama ko lahat kami 75 million kong sino makakapatay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte may boss kami na magbabayad talaga. Pm nyo po ako.”

Timbog sa operasyon ng CIDG

Sa isinagawang operasyon ng CIDG-7, bitbit ang kopya ng kanyang post bilang ebidensya, dinakip na ng mga ito si Ceron. Kasalukuyang nasa kostodiya na ng nasabing ahensya si Ceron para sa imbestigasyon.

75 Million Naman Daw! Isa Pang Pasikat, Timbog Sa Operasyon Ng CIDG 3

Ayon sa isang netizen, seryosong kaso ang maaaring harapin ni Ceron lalo pa at maituturing umano ito na paglabag sa Article 142 o Inciting to Sedition at sa Republic Act 10175 o mas kilala bilang Cyberlibel. Isa umano ito uri ng panggugulo sa seguridad ng bansa tulad ng pagbibiro ng tungkol sa bomba sa mga paliparan.

Iniimbestigahan din ang sinasabi ni Ceron na mga kasama niya at boss niya na siyang magbibigay umano ng pabuya. Hindi malayo maging totoo ito ayon sa mga netizen dahil sa mga nakalipas na araw ay sunod-sunod rin ang pagkakahuli ng mga nagpopost na tulad niya.

Twitter post

Matatandaan na noong isang araw lamang ay hinuli rin ng mga otoridad ang isang 25 anyos na guro dahil sa kanyang twitter post na handa siyang magbigay ng 50 million na pabuya sa kung sino man ang makakapatay kay Pangulong Duterte.

75 Million Naman Daw! Isa Pang Pasikat, Timbog Sa Operasyon Ng CIDG 4

Nang mahuli at todo sa pag iyak ang guro sabay pag hingi ng paumanhin sa mga otoridad. Aniya, pinapangako niyang hindi na niya ito uulitin. Gayunpaman, haharapin pa rin ng guro ang kaso laban sa kany

Source: President Duterte News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: