Press "Enter" to skip to content

76 Anyos Na Bulag, Rumaket Sa Pag-gagawa Ng Basahan Para Kumita At May Pantustos Sa Pamilya

Pinusuan ng maraming netizens ang isang 76 taong gulang na babae sapagkat sa kabila ng kapansanan nito sa mata nakuha niya paring maghanap-buhay para may pang-gastos at pantustos lamang sa kanyang pamilya. Dahil nga sa nawalan siya ng trabaho dulot ng pandemya, dito niya naisipang rumaket sa pamamagitan ng paggawa ng basahan at foot rugs.

Ang raket ni Nanay

Hinangaan ng maraming netizens ang may kapansanan sa mata na si nanay Rita Tabajonda mula sa Gabriela Silang, Baguio City, matapos siyang magviral sa social media dahil sa kanyang raket sa gitna ng pandemya.

Foot rugs for sale - SUNSTAR
Photo Credit: Sunstar

Dahil nawalan si nanay Rita ng trabaho, hindi siya tumigil na dumiskarte upang may pagkakakitaan parin siya sa mga panahong ito.

Ang mga foot rugs na kanyang nagagawa mula sa mga retasong tela na binibigay sa kanya ay binebenta niya sa halagang P25.00.

Para sa pamilya

Isa si lola Rita sa ilang mga Pilipinong nawalan ng hanap-buhay dahil sa lumalalang krisis na nararanasan sa bansa.

A 76-year-old Blind Woman makes Foot Rugs to provide the needs of ...
Photo Credit: YouTube

Mula sa mga lumang damit, naisipan ni nanay na pakinabangan ito at gawing basahan.

Aniya, malaking tulong para sa kanyang pamilya ang kanyang kinikita sa kanyang pananahi lalo pa’t ngayon ay kailangan nila ng mapagkukunan ng panggastos sa pang-araw-araw.

Paghanga ng mga netizens

Kumalat ang kanyang larawan sa social media na talaga namang hinangaan ng marami dahil sa taglay nitong determinasyon sa buhay.

The Philippine Star's tweet - "A 76-year-old blind woman, who lost ...
Photo Credit: Philstar

Bagama’t may edad na at hindi makakita, hindi parin tumigil si nanay Rita sa pagtataguyod sa kanyang mahal na pamilya.

Matapos nga rin mabalitaan ang kahanga-hangang kuwento ni nanay, maraming netizens ngayon ang nais na magpaabot ng tulong at pakyawin na ang kanyang mga paninda.

Source: Kami

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: