Press "Enter" to skip to content

76 Inmates Ng BuCor Isinailalim Sa Isolation, Pinaghihinalaang Positibo Sa COVID-19

Sa nag sisiksikang kulungan ng Bureau Of Corrections o (BuCor) sa lungsod ng Muntinlupa, ay may 76 inmates ang pinaghihinalaang positibo sa COVID-19.

Mga pinaghihinalaan

April 7 ng iniulat ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong 74 na preso sa kulungan ng BuCor ang pinaghihinalaang nahawaan ng nasabing COVID-19 at ang 2 pa ay PUI.

76 Inmates
Remate

Mga kandidato

Dagdag pa ng Pangulo, mayroon din na 80 kawani ang PUM at dalawa pa ay Persons Deprived of Liberty (PDL). Kasama ang isa pang kawani na naka PUI o nagpapakita ng mga sintomas ng COVID-19 o nagkaroon ng pagkakalantad sa isang kumpirmadong may virus.

76 Inmates
Philstar

Kaugnay pa dito ang pagkakaroon ng deklarasyon sa bagong pamantayan ang DOH patungkol sa mga taong mahahawaan ng nasabing virus. Ang tatlong bagong pamantayang gagamitin ay ang “suspect,” “probable” and “confirmed.”

Kaya naman ang nasabing mga preso na pinaghihinalaang may sintomas agad na inihiwalay sa ibang mga inmates at isinailalim sa isolation sa isang pasilidad ng piitan. Ito ay upang maiwasan na sila ay makahawa pa ng mas marami. Sa ngayon hindi muna pinapayagan ang pagtanggap ng mga dalaw.

Dagdag proteksyon

Sinabi din ng Pangulo may mga temporary tents na ipinagamit para sa mga PDLs. Nagtatag na din ng 24 oras monitoring center sa NBP Administration Building ang nasabing piitan. Ito ay pagdadalhan sa mga magkakaroon ng sintomas.

76 Inmates
Remate

Nakipag ugnayan na din ang BuCor sa mga malalapit na hospital kung saan maaring agad dalhin ang magkakaroon ng malalang sintomas.

Pagpapalaya

Mayroong isang grupo ng mga preso ang nanawagan sa kongreso na kung maari ay mabigyan ng pansamantalang pagpapalaya. Gawin umanong prioridad ang mga matatanda na mas nanganganib kung mahahawaan nito ayon naman ito kay Sen. Leila De Lima.

Maari din diumano makapagtala ng isang nakakapangilabot na bilang ng pagkamatay ang bansang Pilipinas kung ang virus ay kakalat sa loob ng nagsisikang preso sa mga piitan.

Source: Philippine Star

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: