Press "Enter" to skip to content

8 Taong Bata Ginahasa Ng Sariling Tiyuhin At Lolo; Suspek Todo Tanggi!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 8 taong gulang na batang babae sa Baao, Camarines Sur sa panggagahasa ng sariling tiyuhin at lolo. Ang paratang ay mariin naman itinaggi ng mga suspek.

Ilang ulit na ginahasa

July, 2- Ayon sa mga awtoridad na sinabi noong Martes na ang nasabing lolo ay isang most wanted dahil sa pang gagahasa nito sa kaniyang sariling apo. Ayon pa dito hindi lamang isa kung di may ika-limang ulit pa itong ginawa sa 8 taong gulang niyang apo.

Ginahasa- Most Wanted
Photo Credit: Gma

Ang paratang ay mariin naman itinanggi ng nasabing lolo at sinabing hindi nya umano magagawa ang bagay na ito dahil ang bata ay halos siya na ang nag-alaga ng mabuti at nagpalaki dito.

Ang tiyuhin

Samantala, bago pa man nahuli ang most wanted na lolo ay nauna ng dinampot ng mga awtoridad sa Camarines, Sur ang tiyuhin na isa pang kasabwat at gumahasa din sa nasabing biktima.

Ang Tiyuhin- Most Wanted
Photo Credit: Gma

Ang mga suspek ay agad na dinala sa bilangguan at ikinulong habang pinoproseso ang mga kaso na maaring isampa sa mga ito.

Ang kaso

Ang mga suspek sa pang gagahasa sa 8 taon na bata ay maaring makasuhan ng rape sa ilalim ng Anti Rape Law ng Republic Act 8353 at Violence Against Women (VAW). Maari din makulong ng mahabang panahon ang mga ito kung mapatunayan na totoo ang mga paratang sa mga ito.

Ang Kaso- Most Wanted
Photo Credit: Gma

Ang bata ang nasa pangangalaga na ngayon ng kanilang ibang kaanak. Samantala, kinukunan pa ng pahayag ang kaanak na may kustidiya ngayon sa biktima.

Ang kasong ito ay isa lamang sa dumaraming mga agresibong insidente ng rape na nangyayari ngayon sa bansa. Ang karamihan pa sa mga naitatala sa ganitong krimen ay halos menor de edad na mga biktima.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: BALITAMBAYAN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: