Press "Enter" to skip to content

9 Na Preso Sa BJMP Positibo Sa COVID-19

Last updated on April 21, 2020

Manila, Philippines  – 9 na preso ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) ang nagpositibo sa COVID-19 ayun sa kanilang Spokesperson na si Major Xavier Solda.

Kinumpirma

Sa isang press conference streamed ng Department of Interior and Local Government (DILG), kinompirma rin ng Spokesperson na mayroon na din 9 na personel ng BJMP ang nagpositibo sa Coronavirus. Bukod pa dito ang 9 na preso ng BJMP na nagpositibo.

9 Na Preso Sa BJMP Positibo Sa COVID-19 2
Philstar.com

Noong April 8 ay isang grupo ng mga bilanggo ang kumatok sa pinto ng Supreme Court at humihiling ng posibleng paglaya sa gitna ng public health emergency. Iginigiit nila na maaaring magkaroon ng maraming kaso ng Coronavirus kung mahahawaan ang mga inmates.

Ang grupo ng mga petitioners ay binubuo ng political prisoners, at nakakulong na mga matatanda na maysakit, at buntis na nakalagay sa isang masikip na pasilidad na imposibleng maipatupad ang social distancing.

Isolation Area

Dagdag pa niya, ang mga nasabing nagpositibo ay nadala na sa isang bagong isolation area sa Payatas Quezon,City. Ito ay naiset-up nila magmula noong mayroong inmates na namatay na pinaghihinalaang positibo sa COVID-19 noong March 25, 2020.

9 Na Preso Sa BJMP Positibo Sa COVID-19 3
Google

Mayroon ng 17 katao ang nadala sa isolation area ng magsagawa ng contact tracing at test sa mga ito at 9 sa kanila ang nagpositibo. Ang mga personnel na natest ay nagtatrabaho bilang administrative staffs, paralegals at health personnel. Sinabi pa niya na lahat ng nakaassign sa Quezon City jail na nasa 40 katao ay nagpaswab test na rin at kasama ang 21 na inmates.

Matukoy

Dagdag pa ni Solda “Sa mga magkakaroon ng sintomas ay dapat masuri agad upang matukoy ang lawak ng impeksyon”. Sinabi rin niya na magkakaroon ng “random sampling” ng mga inmates upang madouble check ang sitwasyon sa loob ng kulungan.

Nanawagan din si Undersecretary Jonathan Malaya sa mga Local Government Units (LGU) na isama ang mga municipal jails sa kanilang lokalidad na magkaroon din ng Mass Testing sa kanilang lugar.

9 Na Preso Sa BJMP Positibo Sa COVID-19 4
Google

Noong March 19, 2020 ay nabatid ng International Committee of the Red Cross na ang 467 na kulungan ng BJMP ay 534 porsyento ng masikip. Ngunit, nauna ng sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na lahat ng jails under BJMP ay “100 percent safe”.

At lahat ng detention cell ay COVID-free at ito daw ang pinakaligtas na lugar sa ngayon. Hinihigpitan din nila ang pagbisita at pagpasok sa loob ng kulungan.

Tugon 

Bilang tugon sa hiling ng mga petitioners ay magsasagawa ang korte suprema ng En Banc Session sa biyernes kung saan maaari nilang talakayin ang pakiusap ng mga inmates para sa pansamantalang paglaya. 

Matugunan sana ng kinauukulan ang pangangailangan ng ating mga kababayan na nakakulong at maproteksyunan sila laban sa COVID-19.

Source: Philstar.com

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: