Press "Enter" to skip to content

9-Yr Old Student, Ibinenta Ang Naipong School Medal Para Makatulong Sa Pamilya

Viral ngayon sa social media ang kakaibang diskarte ng isang 9 na taong gulang na bata upang makatulong sa magulang nito sa gitna ng krisis. Ibinebenta nito ang mga naipong medalya para may pambili ito ng pagkain para sa kanilang pamilya sa kabila ng pandemic.

Viral

Maraming naantig sa isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho nang ifeature sa show ang batang si Kenneth na incoming grade 4 na ngayong school year. Meron aniya itong 50 medalya na napanalunan mula sa iba’t ibang patimpalak sa eskwelahan.

9-Yr Old Student, Ibinenta Ang Naipong School Medal Para Makatulong Sa Pamilya 2

Paraan ng pagtulong

Sa halagang bente pesos (P20) bawat medalya, hangad nito ay makatulong na may maihain para sa kanyang pamilya. Ang nanay nito na si Cheryl ay isang security guard at house help. Ngunit nang pumutok ang pandemic noong Marso, natigil ang trabaho nito na syang naging daan upang maghirap sa krisis ang pamilya. Ang sitwasyon na ito ang naging daan upang maisip ng batang si Kenneth na ibenta ang kanyang mga medalya. Saad nito,

“Pinaghirapan ko po ‘yun. Gusto ko ibenta kasi nahirapan na si Mama nang sobra, kasi kahit marami na kaming pinagdaanan na pagsubok, hindi niya kami iniwan.”

Buhay-estudyante

Naibahagi din ni Kenneth ang buhay nito sa eskwelahan. Nagsimula itong sumali sa mga Math competition noong grade 1 pa lamang ito. Siya at ang kanyang kapatid na si Kyle ay hindi nangangailangan ng lubos na atensyon sa pag-aaral dahil sila mismo ay nagsisikap.

Ang pagiging independent ng magkapatid ay isang malaking tulong sa kanilang nanay na si Cheryl dahil bilang single parent. Kinakailangan nito na magtrabaho ng mas mahabang oras upang tustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ganunpaman, dahil kailangan dumoble kayod ni Cheryl, may mga araw na hindi ito nakakadalo sa mga recognition rites ni Kenneth. Dahilan upang magtampo ito sa kanya.
Bunsod din nito ay ang pang-aalaska sa kanya ng mga kaklase.

Inulan ng blessings

Sa kabila ng lahat, pursigido pa din sa Kenneth na magsikap sa pag-aaral. Kaya naman sa pagbebenta nito ng kanyang mga medal online, marami ang napukaw at nag-donate may Kenneth at sa pamilya nya. Si Dr. Khristian Santos na nagmamay-ari ng laptop shop online ay nagpaabot ng laptop para kay Kenneth. Ang team naman ng Kapuso Mo, Jessica Soho ay nagbigay ng internet broadband at financial aid para sa pamilya. Saad ng nanay na si Cheryl,

“Hindi ko expect na mayroon pang handang tumulong nang walang kapalit. May mga taong nagmamalasakit kahit hindi nila kadugo. Sobrang laking pasasalamat ko sa mga taong may ganito ang puso.”

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: