Itinuturing na isang milagro ang muling pagbabalik ng paningin ng isang 94-anyos na lola matapos ang higit isang dekada na pagiging bulag.
Milagro
Ikinuwento sa isang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang milagro na nangyari kay Lola Teting na mula sa Buruanga, Aklan.

Nabulag si Lola Teting noong 2008 ngunit muling nagbalik ang paningin ngayong taon.
Ayon kay Lola Teting, nanaginip ito kamakailan lamang na nakakakita na ito. Dalawang araw makalipas, tunay ngang nakakita na ang lola. Tinawag pa nito ang anak at ibinalita ang magandang regalo sakanya.
“Nanaginip ako na nakakakita na ako.”
Dagdag pa nito,
“Mga dalawang araw, paggising ko, ay nakita ko na ang aking anak, tinawag ko, ‘Nakakakita na ako, ne.”
Pananampalataya
Laking tuwa ng mga kaanak ni Lola Teting lalo na ang kanyang mga anak at apo. Itiuturing ito ng pamilya bilang isang milagro at dahil sa matibay na pananampalataya ng matanda sa Panginoon. Ito rin ang paniniwala ng manugang ni Lola Teting na si Juana Dela Cruz.

Katarata
Ayon kay Lola Teting, nawala ang paningin nito nang dahil sa katarata. Noong una ay kaliwang mata lamang nito ang nawalan ng paningin ngunit kalaunan ay pati ang kanyang kanang mata na rin. Hinaing ng butihing lola, natakot ito nang mawala ang kanyang paningin. Dahil kasabay nito ay ang paghina na rin ng kanyang pandinig dulot na din ng katandaan.
Pahayag naman ng apo nito na si Milven na syang lumaki kasama ang kanyang lola,
“Noong bata kami talagang ’pag pinapagalitan kasi kami ng parents ko, sa kanya talaga ako tumatakbo. ‘Yun na lang din ‘yung puwede naming iparamdam sa kanya na ngayon naman na siya din iyong nangangailangan”
Kwento pa ng pamilya, noon ay nakatakda para sa laser eye surgery ang matanda. Ganunpaman, hindi ito natuloy dahil sa pagtaas ng presyon nito bago ituloy ang operasyon.
Pagrorosaryo
Kahit pa man nabawian ng paningin si Lola Teting, hindi ito naging hadlang para patuloy na magrosaryo sa araw araw. At isang araw nang magising ito, isang milagro o magandang regalo ang natanggap nito- ang pagbabalik ng kanyang paningin.
Isa sa mga pinakamasaya ang apo nitong si Milven, kaya naman nakapagselfie ang mag-lola sa sobrang saya.
Opinyon ng mga doktor
Para makasiguro, minabuti na patingnan si Lola Teting sa isang espesyalista.
Ayon dito, hindi pa rin ligtas sa pagkabulag ang matanda. Maaaring lumipat lamang sa ibang parte ng mga mata nito ang katarata. Gayunpaman, masaya pa rin si Lola Teting sa muling pagbabalik ng paningin matapos ang higit isanb dekada.
Source: GMA News Online
Be First to Comment