Browse By

Babaeng OFW, Minaltrato Na Ng Amo Sa Kuwait, Ninakawan Pa Ng Kababayan

Kalunus-lunos ang sinapit na kapalaran ng isang babaeng Overseas Filipino Worker sa bansang Kuwait. Bukod sa hindi na pinasuweldo ng tama ng kanyang employer, ninakawan pa ng kapwa Pilipino ang naturang OFW pagdating ng Pilipinas.

Ayon sa GMA News, ang biktima na nakilalang si Maribel Cantillo at tubong Aurora Province ay dalawang araw na hindi pinakain ng kanyang amo bago inihatid sa airport. Bukod pa doon ay nakaranas na din sya ng pananakit sa kamay ng kanyang mga amo. Ngunit ang pinakamasakit sa lahat ay hindi pa nila ibinigay ang kanyang inaasahang dalawang buwang sahod na kanya sanang maiuuwi sa pamilya.

Photo Credits: GMA News

Bayanihan para kay Maribel, pinag-interesan

Habang naka stop-over sa Dubai Airport ay napansin siya ng mga kapwa Pilipino na walang tigil sa pag-iyak. Doon na nya naikuwento sa kanila ang mapait na karanasan at sa kalagitnaan ng pagsasalaysay ay nawalan pa ng malay ang OFW. Sa awa ng mga ito ay nag-ambagan sila upang may maiuwi man lang na kaunting halaga si Cantillo. Subalit noong nasa quarantine hotel na sa bansa ang biktima, ang tulong pinansyal na natanggap ay ninakaw pa diumano ng mga kasama din niyang naka-quarantine sa naturang lugar.

Photo Credits: The Filipino Times

OWWA, nangakong tutulong

Naidulog na sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kaso ni Cantillo at nangako naman si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na tutulungan ang ating kawawang kababayan.

Panoorin ang video mula sa GMA News YouTube channel para sa mga karagdagang impormasyon:

Video Credits: GMA News

Source: GMA News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *