Press "Enter" to skip to content

ABS CBN TV At Radio Frequencies, May Bagong May-ari Na Ba?

Ang dating empleyado na nga ba ng mga Pamilya Lopez, na si Mel Velarde ang bagong magmamay-ari sa TV At Radio frequencies ng ABS CBN?

AMCARA Broadcasting Network

Lumabas ang balita na ang AMCARA Broadcasting Network, Inc., sa pamamgitan ng NOW Corp., ang interesadong mag take over sa DZMM 630 at MOR 101.9 radio frequencies at maging sa Channels 2 and 23 ng ABS CBN.

ABS CBN TV At Radio Frequencies, May Bagong May-ari Na Ba? 2
Photo Credits: Bilyonaryo

Naibalitang nag sumite na ng formal na application ang AMCARA sa kanilang interest, at ngayo’y naghihintay ng formal na tugon tungkol sa kanilang hiling.

Malapit sa administrasyon

Napabalita na sinamantala umano ang pagkakataon ni Mel Velarde dahil malapit ito sa administrasyon, kaya malaki ang tsansang maging matagumpay ito sa hiling na mag take over sa mga frequencies ng estasyon.

ABS CBN TV At Radio Frequencies, May Bagong May-ari Na Ba? 3
Photo Credits: Pressreader

Ayon sa na e ulat, si Mel Velarde ay isa sa mga ninong sa anak ni Pangulong Duterte, na si Sarah Duterte. Kaya may kaugnayan ito sa administrasyon. Siya rin ang nagmamay ari sa tinatawag na “mother of all map”, na siyang ginamit sa claim ng Pilipinas sa South China Sea.

Si Mel Velarde ay ang President at Chief Executive Officer ng NOW, Corp,. Bago siya nagtayo sa kanyang sariling kompanya, ay naging empleyado siya bilang, Executive Vice President and General Manager of Sky Cable, na pagaari ng pamilya Lopez.

ABS CBN TV At Radio Frequencies, May Bagong May-ari Na Ba? 4
Photo credits: NOW Corp.

Hindi naging maganda ang relasyon ng dalawa dahil humantong ito sa kasong umabot sa mataas na panahon.

Puno ng galit

Sa lumabas na balita, ang pag interest ni Velarde sa ABS CBN, ay nag ugat pa sa galit niya sa mga Lopez family. At ang ang pagsumite ng pagtake over sa mga frquencies ng ABS CBN, ay paghigagaante niya sa kompanya.

ABS CBN TV At Radio Frequencies, May Bagong May-ari Na Ba? 5
Photo Credits: UNTV

Sapilitan umanong pinaretire si Velarde sa Sky Cable “due to problems which accumulated through time.” Nagsimula bilang ABS-CBN News director at naging GM sa Sky Cable simula 1991 hangang 1997 si Velarde. Ang paghiwalay ng dalawa ay nagresulta sa malalim na alitan sa korte.

Sa mga kasong naisampa, ay ngsasabi na hindi binigyan si Velarde ng compensation, sa halip ay pinababayad siya sa utang niya noong 1997, na umabot sa P10 million at mga unliquidated advances na naipon sa haba ng panahon, simula sa taong 1995.

ABS CBN TV At Radio Frequencies, May Bagong May-ari Na Ba? 6
Photo Credits: MelVelarde

Nag counter file ng kaso si Velarde at idinawit ang yumaong si Geny Lopez, na namatay na noong 1999 pa. Bilang respondent sa counter case niya, ay pinasasagot ni Velarde ang namayapang si Geny Lopez, sa kanyang pagdemand ng mahigit P100 million na retirement benefits at unpaid salaries.

Sa mga records ng korte, sinabi ni Velarde na ang “supposed loan” ay gantimpala sa kanyang loyalty at excellent performance as GM. At sibaning “the payment, if any was expected, was in the form of continued service.” Pero hindi pinanigan ng korte si Velarde at na i junked ang kaso laban kay Geny Lopez nong 2004.

ABS CBN TV At Radio Frequencies, May Bagong May-ari Na Ba? 7
Photo Credits: Bilyonaryo

Sa kanya na kaya ang huling halakhak?

Kaya, ang pagpakita ng interest ni Velarde sa ABS CBN, ay sinasabing pahihiganti niya sa pamilya Lopez. Pero maging kanya kaya ang huling halakhak?

Pero duda ang iba sa ginawang pagpakita ng interest ni Velarde, dahil baka purely business nga lang ito at, gusto lang niya bilhin at ibenta rin ng mas mahal sa kalaunan. Gaya sa ginawa niya sa mga businesses niya.

Kaya, naging kaabang-abang ang maging resulta sa isinumite na formal letter na mag take over sa mga frequencies ng ABS CBN si Velarde, dahil kung magkatotoo, ay totoo ring masabi ni Velarde ang mga katagang, “Bukas Luluhod Ang Mga Tala.”

Source: Bilyonaryo

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: