Press "Enter" to skip to content

Abusadong Opisyal Ng Munisipyo At DSWD Sa Taytay, Ginigipit Ang Mga Volunteer?

Isang volunteer sa Taytay, Rizal ang umapela ng tulong sa mga netizen na makarating ang hinaing sa national government. Ito ay dahil sa pang aabuso umano ng opisyal ng MSWD at munisipyo sa kanilang lugar.

Hindi otorisadong makialam

Ayon kay Cla Yish, hinablot ng DSWD staff sa kanilang lugar ang SAC forms ng ipinamamahagi nila. Pinagbibintangan umano siya na nakikisawsaw sa pamimigay ng forms at pag iinterview gayong hindi naman sila otorisado.

Abusadong Opisyal Ng Munisipyo At DSWD Sa Taytay, Ginigipit Ang Mga Volunteer? 1

Depensa niya, hindi sila nakikisawsaw, bagkus ay tumutulong lang sila sa pagkontrol ng mga taong dumadating para sa forms. Dagdag pa niya, tinawagan lamang umano sila ng kanilang kapitan upang tumulong sa nasabing pamimigay ng forms. Nilinaw niyang PNP at DSWD lang ang maaaring gumawa ng ganoong trabaho kung kaya hindi sila nakikialam.

Siya pa ang kakasuhan

Ngayon, inuutusan pa umano siyang humingi ng dispensya sa mga nakairingan niyang opisyal. Siya pa umano ang kakasuhan dahil sa pangingialam nito. Sigaw ni Cla Yish, huwag siyang baliktarin ng mga taga DSWD at munisipyo. Volunteer lang siya na handang tumulong sa kanyang mga kababayan.

Abusadong Opisyal Ng Munisipyo At DSWD Sa Taytay, Ginigipit Ang Mga Volunteer? 2

Labis labis na umano ang pang aabuso ng mga opisyal sa kanilang bayan. Sa katunayan, lahat umano ng mga taga munisipyo ay may dala dalang relief goods pauwi gayong sila ay pahirapan makahingi ng ayuda sa kanilang lokal na pamahalaan.

Sa video na kinunan niya ng palihim, makikitang napakaraming sako ng bigas sa loob ng munisipyo. Ang mga staff naman ay dumadaan na may bitbit ng plastic ng mga de lata kabilang na ang corned beef.

Itigil ang panggigipit

Samantalang sa kanila umano mga ordinaryong mamamayan ay maswerte na kung maabutan ng sardinas o noodles man lang. Ang pamimigay din umano ng ayuda ay depende sa kung kailan lang gusto ng mga taga munisipyo.

Abusadong Opisyal Ng Munisipyo At DSWD Sa Taytay, Ginigipit Ang Mga Volunteer? 3

Sobrang api umano ang mga volunteer sa kanilang lugar dahil tumutulong sila sa pag rerepack at iba pang gawain kapalit lang ng pagkain nila araw-araw. Panawagan niya, itigil na ng DSWD at munispyo sa kanilang lugar ang pang gigipit sa kanilang mga volunteer.

Source: Cla Yish

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: