Press "Enter" to skip to content

“Academic Freeze” Ang Panawagan Para Sa DepEd at CHED

MANILA, Philippines — Mag mass testing muna bago ebalik ang eskwela. Ito ang sigaw ng grupo ng kabataan. Hinimok nila ang DepEd at CHED na magkusa sa pag introduce ng “academic freeze” o pag tigil muna sa eskwela, mapa face-to face o online man ang pamamaraan.

Ang panawagan

“Academic Freeze” ang payo ng Samahan ng Progresibong Kabataan (Spark) sa DepEd at CHED, kung walang maisagawang mass testing ng COVID-19. Sabi din ng grupo, anti-poor ang “online classes”, kaya itigil ito at panatilihin ang pagsahod ng mga guro kahit sa ilalim ng academic freeze.

"Academic Freeze" Ang Panawagan Para Sa DepEd at CHED 2
Photo Credits: Inquirer

Nong nagdaang enrollment ng DepEd, ay nasa 15.9 milyong estudyante sa public at private schools sa K-12 curriculum ang nag enroll. Mas mababa ng mahigit 12 milyon, doon sa target na 28 milyon. Kaya, inextend ang pag enroll hanggang July 15.

"Academic Freeze" Ang Panawagan Para Sa DepEd at CHED 3
Photo Creidts: SPARK

Sabi ng SPARK, “We urge these government agencies to fulfill their mandate by siding with students, teachers, and academic and non-academic employees, instead of greedy capitalist-educators.”

Academic freeze

Sa academic freeze, ay magkaroon ng flexible academic calendar at kurikulum, para maka adjust sa semester systems. Magkakaroon din ng mababang bilang ng araw sa eskwela, maibsan ang mga dami ng school requirements, at mababang bayaran sa matrikula at ibang bayaran, na kadalaasan kasama sa on site classes.

Pwede rin i-adopt ang “no vaccine, no classes” policy, kung saan ang academic calendars at curriculum ay e-freeze at huwag i-move.

"Academic Freeze" Ang Panawagan Para Sa DepEd at CHED 4
Photo Credits: ISKRA

Halimbawa, kung walang bakuna sa 2020, i-suspend ang SY 2020 to 2021 at e-resume sa SY 2021-2022, at huwag nang e-adjust ang pasukan sa June, at e-move sa March. At ang August na pasukan, e-adjust o e-move at gawin sa May.

Ano ang Plano

Target buksan ng DepEd ang pasukan sa August 24 at ang kolehiyo at unibersidad ay sa August din, maging “flexible learning” o “digital at non-digital technology”. September naman ang mga pumili sa “residential learning” o face-to-face learning.

"Academic Freeze" Ang Panawagan Para Sa DepEd at CHED 5
Photo Credits: Pinoy Showbiss

Kumontra ang SPARK at sinabing,

 “The actions taken by the government in assuring the continuation of learning despite the global COVID-19 pandemic have ignored the pleas of the majority of the country’s students, whose lives have been upturned not only by the direct onset of the pandemic but its economic and financial repercussions as well.”

“They have instead sided with various private educational institutions whose capitalist ideals still prevail during this dreadful time.”

Anong mangyari sa 12 milyong di nag enroll

Tanong ng SPARK, ano ang mangyari sa mga hindi nag enroll na nasa mahigit 12 milyon? Ngayon daw dapat gawin nila Briones and De Vera ang pag tupad sa kanilang mandatong mag bigay ng kalidad at accessible na edukasyon para sa maraming estudyante.

Dagdag ng SPARK,

“What use is a continuous yet low-quality and inaccessible form of education when our own future is at stake? If the cases continue to rise as it has been in the past weeks since the start of the General Community Quarantine, then what more should we expect when we return to physical classes?”

"Academic Freeze" Ang Panawagan Para Sa DepEd at CHED 6
Photo Credits: Latigo News

Kasi kung hindi ito magawa nila, lalo lang lalala ang sistema ng edukasyon.

Kaya ang sabi ng grupong SPARK, “If not, these dismal enrollment numbers will just be the beginning of the unraveling of the broken Philippine educational system in this time of crisis,”

Sa ngayon, ay wait and see pa ang susunod na mga announcement mula sa DepEd at CHED kung may bago sa kanilang mga ini-lunsad na sistema.

Source: Cebu Daily News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: