Press "Enter" to skip to content

AFP Naghahanda Para Sa Posibleng Mala “Martial Law” Na Lockdown

Manila, Philippines – Ang sandatahang lakas ay nagpahayag na natural lamang ang kanilang ginagawang paghahanda sa posibleng ipapatupad na mala “martial law” na lockdown. Ito ay sa kabila ng pag-leak ng memo tungkol sa napipintong pagpapatupad ng mas mahigpit na lockdown.

Memo

Inamin ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Brigadier General Edgard Arevalo na nagbigay sila ng kautusan. Tungkol ito sa istriktong implementasyon ng “extensive enhanced community quarantine” kung saan AFP ang mamuno sa pagbabantay sa mga lansangan.

AFP Naghahanda Para Sa Posibleng Mala "Martial Law" Na Lockdown 1

Ang pahayag ay ginawa dahil sa isang memo na kumalat sa social media noong Biyernes, ika-17 ng Abril. Parehong araw kung kailan ibinigay ang kautusan sa buong AFP. Inamin nya na ang memo ay para sa Philippine Air Force (PAF).

Paglilinaw

Nilinaw naman ni Arevalo na hindi pa pormal na nagbibigay ng utos ang pangulo ukol dito. Sabi niya,

“Sa ngayon wala pa na namang utos ang Pangulo na mag-deploy na.”

AFP Naghahanda Para Sa Posibleng Mala "Martial Law" Na Lockdown 2

Dagdag pa ng tagapagsalita na nararapat lamang sa maging maagap ang pamunuan sa pag-alerto sa kanilang mga tauhan kasali na ang mga patakaran ng pakikipag ugnayan. At ito ay kanilang tungkulin bilang taga pangalaga ng siguridad ng bansa.

Hindi dapat mangamba

Sabi pa ni Arevalo na walang dapat ipangamba,

“We believe there is nothing to be alarmed about in this natural reaction of the AFP to prepare and deploy when it becomes necessary.”

AFP Naghahanda Para Sa Posibleng Mala "Martial Law" Na Lockdown 3

Ginagawa lang daw ng militar ang paghahanda pagkatapos na magbabala ang kanilang commander-in-chief. Nangahulugang ang militar at pulis na ang mangunguna sa pagpapatupad ng quarantine protocol kapag magpapatuloy ang mga paglabag ng mga Pilipino sa patakaran ng lockdown sa buong bansa.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: