Press "Enter" to skip to content

Agot Isidro, Sinupalpal Matapos Magbigay Komento Sa Mamahaling Bike Ni Jinky Pacquiao

Manila, Philippines – Nagsimula ang tensyon ng dalawang kampo ng nagparinig ang aktres na si Agot Isidro sa kanyang Twitter account tungkol sa naipost ni Jinkee Pacquiao sa kaniyang Instagram Account ng dalawang luxury bicycles.

Komento ni Agot

Hindi napigilan ni Agot na mag bigay komento matapos nga mag post si Jinkee ng mamahaling bisekleta na isang Hermes at isang LV na kung susumahin ay nagkakahalaga ng more than P1 million.

Ani ni Agot,

“Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na ‘yun, wala kaming pakialam. Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puwede ba, konting sensitivity man lang?”

Agot Isidro, Sinupalpal Matapos Magbigay Komento Sa Mamahaling Bike Ni Jinky Pacquiao 2
Photo Credit: GMA Network

Nang dahil sa parinig na ‘yun na wala namang tinutukoy na pangalan ay agad na-focus ang isyu sa dalawang mamahaling bisikleta na pinost ni Jinkee.

Pag tanggol sa Pacquiao Family

Dahil nga sa nag trending ito at lumaki lalo ang isyu kaya naman hindi napigilan ng business manager ng Pacquiao family na si Arnold Vegafria.

Sagot niya kay Agot,

“What’s your issue, Agot? What Jinkee posts on her Instagram page is not for us to judge. What she does with her family’s hard-earned money is none of our business, because such bountiful blessings are just the fruit of her husband’s esteemed legacy as an iconic Filipino boxing legend and businessman.”

Dagdag pa niya,

“And are not stained in any way by graft or corruption. Jinkee has also worked her way up as a smart and prudent businesswoman with several investments under her good name. You probably have no idea as to the extent by which the good Senator, Manny Pacquiao and his family, have done so much to help our countrymen, not just during the past three months during the height of the pandemic, but even way before when he was still working hard to achieve his iconic stature.”

Patuloy pa nito,

“You probably don’t see or hear much about it because they are not the types to brag about their noble and charitable deeds for other people to see. They would rather do their humble acts of generosity away from the eyes of the media or the glare of the spotlight.”

Agot Isidro, Sinupalpal Matapos Magbigay Komento Sa Mamahaling Bike Ni Jinky Pacquiao 3

Ang Tweet na parinig ni Agot ay sinundan niya ng #nouveau na ang ibig sabihin ay rich o ngayon lang yumaman at wala sa hulog na dini-display ang kanilang mga kayamanan.

Tirada pa nito,

“And please be more discerning about your use of the word ‘nouveau.’ The Pacquiaos have worked hard over the past decades to achieve their current standing in society, and despite their status, they have remained humble, low-key and generous to whoever asks for their help. Their fervent desire to serve their countrymen continues to inspire them to pursue higher education and excel in their public service endeavors.”

Depensa ni Agot

Matapos ang depensa sa Pacman family ay sinagot naman ni Agot ang mga ito sa kanyang Twitter Account.

Resbak ni Agot,

“Sinabi ko naman na wala akong pakialam kung saan ginastos ang kaperahan. I’m sure marami na rin ang natulungan. Ang sa akin lang, kailangan ba namin makita yan, sa gitna nang paghihirap na dinaranas ng nakararami?”

Agot Isidro, Sinupalpal Matapos Magbigay Komento Sa Mamahaling Bike Ni Jinky Pacquiao 4
Photo Credit: GMA Network

Dagdag pa niya,

“Sensitivity ≠ accountability iba po yun. Ktnxby.”

Sa bandang huli, tinapos ni Agot ang komento at nag iwan ng mapang asar na salita.

Ani niya,

“Oh, so sa nouveau triggered. hindi sa insensitive. Ok, noted po. (last na ito).”

Agot Isidro, Sinupalpal Matapos Magbigay Komento Sa Mamahaling Bike Ni Jinky Pacquiao 5
Photo Credit: GMA Network

Samantala, umani naman ng suporta at likes ang sagot ni Arnold kay Agot. Hindi naman pinatulan ng sino man mula sa Pacquiao family ang tensyon na naganap. Sa ngayon ay wala pa rin komento si Jinkee sa komento ni Agot maging sa pag tanggol sa kaniya ng business manager ng kanilang pamilya.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: