Browse By

“Akala Ko Joke” – Bea Alonzo Umamin Tumakas Sa Kanyang Mga Fans Nuon

Inamin ni Bea Alonzo na tumakas siya nuon sa kanyang mga fans nung nagsisimula pa lang siya sa kanyang career sa showbiz dahil akala niya nuon na prank lang ang ito.

Kinuwento ng artista ang ito habang inaalala ang unang pagkataon na natuklasan niya ang pagkaroon niya ng fan base, base sa kanyang YouTube vlog nuong Nobyembre 6, 2021.

Ako ba talaga ang pinapanood nila?

“I was already doing ‘Kay Tagal Kang Hinihintay’ and I remember that time, there was no social media so I wasn’t really aware kung may mga nanood ba sa ‘kin (if people were watching me.”

“Alam ko lang may ratings but hindi mo naman kasi malalaman kung ikaw yung pinapanood.”

Photo Credit: Screengrabbed from Bea Alonzo’s YouTube Channel

Ayon kay Alonzo, siya daw ay kasali lamang sa teleseryeng “Kay Tagal Kang Hinihintay” dapat ng isang linggo, ngunit nagustuhan siya ng kanyang mga tagahanga at ang kanyang ginagampanan na si Katrina. Kasama niya sina John Lloyd Cruz, Dimples Romana, Rica Paralejo, at Lorna Tolentino.

Prank ba ito?

Pagkalipas ng isang buwan nang nagpakita siya sa teleserye, nagulat si Alonzo dahil may mga taong naghihintay sa kanyang dressing room sa palabas ng “ASAP.” Di siya naniniwala na ang mga taong ito ay mga fans niya at akala niya na prank lamang ang ito.

Photo Credit: Bea Alonzo’s Instagram

“No’ng umpisa, kasi no’ng tie na ‘yon, uso pa yung mga victim at ‘yung mga ‘Punk’d.'”

“Pumunta sila sa dressing room ko, ang daming fans. Akala ko I was being ‘punked’ so I ran away. Akala ko joke kasi hindi ko akalain na may fans na pala ako.”

– Bea Alonzo, Nobyembre 6, 2021

Ang “Punk’d” ay isang sikat na practical joke TV show kung saan pinaprank ang mga tao at may mga hidden cameras upang makuha ang lahat ng angulo ng reaksyon ng pinaprank.

Maliban sa kanyang experiences kasama ang mga tagahanga niya, nagkuwente rin siya tungkol sa kanyang unang audition kung saan siya ay hindi nagtagumpay, ang unang beses na nakasakay siya sa isang cruise ship, ang ang unang magazine cover niya kasama ang celebrity photographer na si Mark Nicdao.

Nagcelebrate si Bea Alonzo ng kanyang 34th na kaarawan last month. Siya ay gaganap sa isang war film na pinamagatang “Angel Warrior” sa Hollywood, kung saan siya ay ang bida na si Tara. Si Tara ay isang underground fighter na tumutulong sa kapwa Filipino at Amerikanong guerillas nuong World War 2.

Sources: Inquirer, Bea Alonzo’s YouTube Vlog

Leave a Reply

Your email address will not be published.