Press "Enter" to skip to content

Aktres Na Si Sheryl Cruz, Nireklamo Dahil Hindi Nagbabayad Ng Utang

Manila, Philippines – Isang OFW at health care worker ang nagreklamo sa programa ni Idol Raffy Tulfo matapos umanong hindi magbayad at pinag tataguan lamang siya ng kaniyang dating aktres na kaibigang si Sheryl Cruz.

Ang pag-utang

Batay sa pahayag nito sa programa ni Idol Raffy, napag alaman na may utang si Sheryl Cruz sa kaniya na nagkakahalagang P100,000 na ginamit nito sa kampanya ng siya ay tumakbo noong nakaraang eleksyon taong 2019. Bagamat hindi direktahan na sinabi ng aktres na gusto niyang umutang sa kaibigang si “Alex” ay parang ganun lang din naman daw ang tema ng usapan nila.

Aktres Na Si Sheryl Cruz, Nireklamo Dahil Hindi Nagbabayad Ng Utang 2

Ani ni Alex,

“Bale nung una funded kami ng isang anonymous na tao. In the middle of the campaign, nung malapit na yung pinaka election, nag-stop mag-fund yung nagbibigay and then meron pang remaining projects na hindi pa na ituloy.”

Dagdag pa niya,

“Since ayaw naman namin na magalit yung mga tao sa kanya, since malapit na yung election nun so pinush through namin yung project and then ako yung nagbayad sa mga projects and then at the same time merong ilang days na ako yung nagpapa suweldo dun sa mga tao na nag-wo-work under sa kanya.”

Ayon pa sa hindi nagpakilalang complainant, ang utang ng aktres ay noon pang tumakbo ito bilang konsehal ng Manila. Isang dance contest daw kasi ang inorganisa ni Sheryl para sa kanyang mga constituents at inabonohan ng complainant ang papremyo, ang pambayad sa dance instructor at pati na ang trophies.

Transaksyon at text

Nagpalitan daw naman sila ng text messages ni Sheryl at nangakong babayaran ito kahit na hulugan. Unfortunately ay natalo sa eleksiyon si Sheryl at bumalik ito sa pagte-taping ng mga teleserye.

Aktres Na Si Sheryl Cruz, Nireklamo Dahil Hindi Nagbabayad Ng Utang 3

Sa puntong ‘yun ay sinisingil na ng complainant si Sheryl ngunit hindi na raw pinapansin ang kanyang mga messages. Sinubukan daw niyang puntahan ito sa taping ngunit nagulat lang daw ang aktres nang siya ay nakita. Umalis daw ito at pinagsabihan ang lahat ng tao sa taping na beware daw sa complainant.

Ani ni Alex,

“Immediately after the election, nag-uusap pa naman kami. Sinamahan ko pa nga siya sa isang parang mini-concert niya sa Pampanga na without any na ibinigay siya. Then after nun hindi na siya kumontact. Pumunta ako once sa taping niya pero parang na-shock siya tapos umalis na siya agad and she told someone na be aware of me daw. Do not have any contact with me whatsoever.”

Sa puntong ito, tinanong siya ni Idol Raffy kung bakit ngayon lang siya lumitaw? Pinabulaanan naman ni Alex na wala sana umano siyang balak ngunit dahil sa paulit ulit na pandedeny ng aktres ay napilitan na lang daw siya magpasumbong sa programa.

Ani niya,

“Naisip ko na wala naman din siyang work at that time and ayaw ko kasi siya sanang mapahiya. So sinalo ko na lang muna and medyo close kasi ako sa kanya so naisip ko kapag bumalik na yung work niya, mag-start na siya ulit mag-artista or if ever manalo siya mababayaran niya yung money.”

Ayon pa kay Alex, inisip niya daw umano na baka down lang si Sheryl kaya binigyan niya ito ng time na makapag adjust lang daw muna. Nag palitan pa din daw umano sila ng text message at sinabi daw ni Sheryl na nabayaran niya na lang ito ng buwan-buwan sa halagang P5,000.

Sabi pa nito,

“Naisip ko kasi na after election, sabi niya na-de-depress siya so I gave her time. And then after four to five months, I’m still trying to contact her.”

Paniningil at pag tatago

Matapos daw mangako ang aktres, yun na lamang daw ang kaniyang pinang hahawakan. Ngunit Makalipas daw ng ilang buwan ay bigla na lamang hindi nagpa ramdam si Sheryl sa kaniya. Ayon pa kay Alex, tinitext at tinatawag niya ito kahit sa Instagram daw nag message siya aktres ngunit deadma lang daw ito.

Aktres Na Si Sheryl Cruz, Nireklamo Dahil Hindi Nagbabayad Ng Utang 4

Aniya,

“Pinanghawakan ko yun and then wala namang nangyari. After that every two months I tried to contact her and then nag-me-message ako sa iba ibang social media platforms niya kasi we’re friends on Facebook, sa Instagram. I have her Viber and then the local number pero hindi na niya pinapansin. Hindi niya sini-seen, hindi niya chini-check or she doesn’t even bother to assure na magbabayad siya.”

Dagdag pa nito,

“After a year, ngayon ko lang naisip na parang it’s not worth it. A month or two after the elections she was still sweet to me. During elections kasi naging friends na kami, naging close kami. So very sweet siya sa akin. And then after nun narinig ko na lang sa iba na galing naman daw sa masama yung money so okay lang naman kahit hindi niya bayaran.

Aktres Na Si Sheryl Cruz, Nireklamo Dahil Hindi Nagbabayad Ng Utang 5

Kaya naman daw sinubukan niyang puntahan si Sheryl sa kanilang subdivision ngunit nag-utos daw ito sa guard na huwag siyang papasukin.

Totoo nga kaya na may utang ang aktres at hindi ito binabayaran? Sinadya niya kaya na Deadmahin lang ang paniningil ng kaibigan?

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: