Press "Enter" to skip to content

Aktwal Na Video Ng Pagmumulto Sa Isang Bahay, Nakunan Sa CCTV

Isang bahay ngayon ang trending sa social media matapos mahuli sa CCTV ang nakakakilabot na pangyayari sa loob nito. Ang mga gamit dito ay kusang gumagalaw kahit pa walang tao na humahawak nito.

Dream house

Ayon sa may-ari ng bahay na si Ruth Dizon, taong 2011 nila binili ng kanyang asawa ang naturang bahay. Kahit pa marumi hindi masyadong maganda ang istruktura sa loob ay itinuring nila itong dream house dahil ito ay bunga ng pag-iipon nilang mag-asawa.

Aktwal Na Video Ng Pagmumulto Sa Isang Bahay, Nakunan Sa CCTV 2

Subalit ang itinuturing nilang dream house ay may kakaibang awra. Ayon sa kwento ni Ruth, kusang gumagalaw ang mga gamit dito. May pangyayaring bukas sara ang kanilang pintuan kahit wala namang may hawak nito. Minsan na din nagpatay buhay ang kanyang TV kahit walang gumagalaw nito.

Maging ang kanyang anak ay may nakakakilabot na kwento. Ayon sa kwento ng bata, may nakikita siyang mga bata sa kanilang kabinet. Nakikipaglaro umano siya sa mga ito ngunit kahit anong pilit niya ay ayaw ng mga itong lumabas sa kabinet.

Huli sa CCTV

Kaya naman napag-desisyunan ng mag asawa na pa bendisyunan ang buong bahay. Mula daw noon ay hindi na nagpakita pa sa anak ni Ruth ang mga “kalaro” nito. Subalit nito lamang Hunyo 5, dakong alas dos ng hapon, nakunan ng kanilang CCTV ang isang nakakapagtakang pangyayari.

Aktwal Na Video Ng Pagmumulto Sa Isang Bahay, Nakunan Sa CCTV 3

Kitang-kita sa camera kung paanong bigla na lamang nalaglag ang takip ng kanilang basurahan. Ayon kay Ruth, imposibleng malaglag ito ng kusa dahil nakalapat naman ng maayos ang takip sa basurahan.

Makalipas ang ilang araw, nakunan naman ang walang kaabog-abog na pagkahulog ng kanilang tupperware kahit wala namang tao sa kusina noong panahong iyon. Ngunit ang pinaka-nakakakilabot ay ng marinig sa video ng CCTV ang isang nakakakilabot ng tunog habang sila ay mahimbing na natutulog sa kanilang kwarto.

Misteryo ng bahay

Ayon sa psychic na si Jay Costura, nararamdaman niya ang presensya ng mga kaluluwa sa bahay na iyon. Hindi lang isa kundi dalawa ang lihim na gumagala sa loob ng bahay ni Ruth. Isa babae at isang lalaki umano ang mga ito. Aniya, ang kakaibang tunog ay dahil sa nais makipag-usap ng mga kaluluwa kina Ruth.

Aktwal Na Video Ng Pagmumulto Sa Isang Bahay, Nakunan Sa CCTV 4

Ayon naman sa physicist na si Harlee Quizzagan, may eksplenasyon sa mga pangyayaring nakunan ng CCTV. Aniya, ang takip ng basurahan ay hindi maayos ang pagkakalagay. Dagdag pa rito, madulas ang garbage bag kaya kusang nalaglag ang takip. Para naman sa nalaglag na tupperware, kita sa CCTV na hindi balanse ang pagkakapatong nito sa isa pang tupperware kung kaya hindi kataka-taka na malaglag ito ng kusa.

Aktwal Na Video Ng Pagmumulto Sa Isang Bahay, Nakunan Sa CCTV 5

Ayon naman sa CCTV Technician na si Engr. Jervy Baldemiano, ang kakaibang tunog na narinig ay maaaring dahil sa malapit na electricfan sa tabi ng CCTV. Ipinakita nito kung paano nakakalikha ng kakaibang tunog kung malapit ang electricfan sa CCTV.

Aktwal Na Video Ng Pagmumulto Sa Isang Bahay, Nakunan Sa CCTV 6

Ayon naman kay Ruth, patay na ang aircon nila ng oras na iyon at walang electricfan sa kwarto. Kaya naman imposible ang paliwanag ni Baldemiano.

Hindi man malinaw kung ano ang tunay na dahilan ng mga kakaibang pangyayari sa bahay, dasal ni Ruth na sana ay maging ligtas ang kanyang pamilya sa loob at labas ng bahay.

MGA GAMIT SA BAHAY, GUMAGALAW MAG-ISA?!

MGA GAMIT SA BAHAY, GUMAGALAW MAG-ISA?!Sa biniling dream house ni Ruth, ang mga gamit, bigla na lang gumagalaw at nalalaglag! Meron ding nakunang kakaibang tunog. At ang lahat ng ito, na-record ng CCTV! Panoorin ang video.

Posted by Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on Sunday, August 16, 2020

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: