Press "Enter" to skip to content

Aktwal Na Video Ng Pagpatay Sa Isang Black American Ng Isang Racist Na Pulis , Viral Ngayon

Kumakalat ngayon sa social media ang aktwal na video kung paano namatay ang isang black american sa kamay ng isang white american na pulis. Ayon sa mga netizen, ang dahilan nito ay ang racism na hanggang sa ngayon ay bumibiktima sa libo libong mga black american at iba pang lahi sa buong mundo.

Brutal na panghuhuli

Ang insidente ay nakunan sa pamamagitan ng isang cellphone video sa Minneapolis USA. Sa video, makikita na pilit pinalalabas ng ilang mga puting pulis sa sasakyan ang biktima na si George Floyd na isang black american. Ito ay dahil sa bintang na nagbayad si George ng pekeng pera sa isang grocery store.

Aktwal Na Video Ng Pagpatay Sa Isang Black American Ng Isang Racist Na Pulis , Viral Ngayon 2

Nang lumabas ang biktima ay agad itong pinadapa at pilit pinosasan. Makikita sa video na inipit ng suspek na si Derek Chauvin, 44 taong gulang, ang leeg ng biktima gamit ang kanyang tuhod kung kaya nahirapan itong huminga.

Paghihirap ni Floyd

Nakikiusap si Floyd sa pulis dahil nasasaktan na at hindi na talaga ito makahinga. Sinasabihan ng ibang kapwa pulis si Chauvin dahil nakikita nilang nahiharapan na ng husto si Floyd subalit tila bingi ito.

Aktwal Na Video Ng Pagpatay Sa Isang Black American Ng Isang Racist Na Pulis , Viral Ngayon 3

Umabot ng nasa pitong minuto ang pang iipit na ginawa ni Chauvin sa biktima. Binitawan lang niya ito ng mapansin na tila hindi na gumagalaw o humihinga man lang si Floyd. Agad na nag viral ang video sa social media dahil sa karahasan ng nasabing pulis.

Racism

Sigaw ng marami, biktima ng racism o pang aalipusta sa ibang kulay o lahi na siya nakamulatan ng lamat sa pagitan ng mga black at white American. Madumi at masama kasi ang turing ng ilang mga white american sa mga black american kung kaya galit at pinandidirihan ng mga ito.

Aktwal Na Video Ng Pagpatay Sa Isang Black American Ng Isang Racist Na Pulis , Viral Ngayon 4

Marami ng panawagan at aktibidades ang ginagawa sa buong mundo upang matigil na ang racism sa mga tao. Subalit, hindi maitatanggi na marami pa ang tila hindi nakakatanggap sa kapwa ano mang lahi at kulay nito. Ang nangyaring pagpatay ay isa sa halimbawa kung gaano kadelikado at kasama ang pagiging racist.

Racism

How an American police killed a black man ( George Floyd) . Racism everywhere . Like and sharehttps://youtu.be/NnFQdYNf090

Posted by Wisdom and Knowledge TV on Thursday, May 28, 2020

Source: Wisdom And Knowledge TV

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: