Press "Enter" to skip to content

‘Alam Na Po Natin Ang Pakiramdam Ng Walang Trabaho’: Angel Locsin Nakiusap Na Pabalikin Na Sa Trabaho Ang Mga Tinanggal Ng ABS-CBN

Second chance – yan ang hiling ng kapamilya aktres na si Angel Locsin sa network kung saan siya nagtatrabaho. Ito ay para sa mga empleyadong pwersahan umanong tinanggal ng ABS-CBN ng walang tamang proseso.

Namumukod tangi ang kabutihan

Sa gitna ng maraming artista ng kapamilya network na naglalabas ng mga sama ng loob at opinyon sa social media, namumukod tangi ang tinaguriang “Darna ng Bayan” na si Angel Locsin. Kalmado kasi ito at walang halong panunumbat di tulad nina Coco Martin, Agot Isidro at marami pang iba.

‘Alam Na Po Natin Ang Pakiramdam Ng Walang Trabaho’: Angel Locsin Nakiusap Na Pabalikin Na Sa Trabaho Ang Mga Tinanggal Ng ABS-CBN 2

Sa kanyang video, nakiusap siya sa National Telecommunication Commission o NTC upang bigyan ng extension ang ABS-CBN tulad ng pagbibigay umano ng mga ito sa ibang mga kompanya. Lubos siyang nag aalala sa kapakanan ng libo-libong empleyado ng nasabing network na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagkakasara ng nasabing network.

Pasalamatan ang mga sumuporta

Kapalit nito, nanawagan din siya sa kanyang mga big boss na kung sakaling mabigyan muli ng ikalawang pagkakataon na umere ang media giant, ay itama na sana nila ang kanilang mga pagkukulang. Aniya, dapat na lubos na pasalamatan ng ABS-CBN ang kanilang mga empleyado na siya buong pusong sumuporta sa kanilang laban.

‘Alam Na Po Natin Ang Pakiramdam Ng Walang Trabaho’: Angel Locsin Nakiusap Na Pabalikin Na Sa Trabaho Ang Mga Tinanggal Ng ABS-CBN 3

Nararapat umano na bigyan ang mga ito ng tamang pag-aalaga. Ang mga empleyado na matagal ng nagseserbisyo ngunit iregular pa rin, ay gawin na sana nilang regular at bigyan ng tamang mga benepisyo. Nararapat lang umano na mabigyan sila ng magandang buhay dahil na rin sa laki ng kontribusyon ng mga ito sa paglago ng nasabing network.

Second chance

Hindi rin nakalimot ang aktres na ipakiusap ang mga dating empleyado na sapilitang tinanggal sa serbisyo. Aniya, kung nagkaroon man ng pagkakamali ang mga ito, sana ay bigyan pa sila ng panibagong pagkakataon.

‘Alam Na Po Natin Ang Pakiramdam Ng Walang Trabaho’: Angel Locsin Nakiusap Na Pabalikin Na Sa Trabaho Ang Mga Tinanggal Ng ABS-CBN 4

“Tutal alam na po natin ang pakiramdam na walang trabaho, sana po ay mabigyan natin sila muli ng trabaho,”

Paglilinaw ng aktres, wala siyang anumang intensyon na kalabanin ang gobyerno. Ang kapakanan lamang ng mga empleyado ang nais niyang ipaglaban.

My personal opinion ✌🏻 Stay safe everyone 💋

Posted by Angel Locsin on Monday, May 11, 2020

Source: Angel Locsin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: