Press "Enter" to skip to content

“Alam Naman Na Joke Lang” Mr. Fifty Million, Overkill Nga Ba Ang Pagkakaaresto?

Manila, Philippines – Ikinokondina ng mga grupo ng guro na ang nangyaring pag-aresto sa gurong si Mr. Fifty Million ay isa umanong “overkill” sa malayang pag salita ng saloobin ng isang guro.

‘Over kill’ sa malayang pagsasalita

Ayon sa Secretary General na si Raymond Basilio ng Alliance of Concerned Teachers, ang pag aresto kay Teacher Ron ay isang “repression and punitive actions against dissenters and sentiments that may be seen as ‘anti-government.”

"Alam Naman Na Joke Lang" Mr. Fifty Million, Overkill Nga Ba Ang Pagkakaaresto? 2
Photo credits:Manila Bulletin

Ani niya,

“This is an attack on free speech, on democracy. This is an attempt to sow fear among the people, to dissuade them to speak up about their situation and convictions.”

Pag batikos

Samantala, sinabi naman ng ACT Teachers Partylist Rep France Castro na nagpapakita umano ng ”double standard” ang ginawang pag-aresto sa guro kung kaya ipinanawagan nila ang pagpapalaya rito.

"Alam Naman Na Joke Lang" Mr. Fifty Million, Overkill Nga Ba Ang Pagkakaaresto? 3
Photo credits: Pinas Balita

Sabi niya,

“We demand for the immediate release of teacher Ronnel Mas. The arrest of teacher Ronnel reeks of double standard and refuses to follow due process. It is a hypocrisy of law enforcement when ordinary people are arrested, harassed and threatened for posting on social media while the President continues his tirades against his critics.”

Pahayag ni Castro na mismong si Pangulong Duterte ay nag-uutos umano ng “shoot to kill order” sa militar para patayin umano ang mga aktibista at mga kritiko nito. Binatikos din ni Castro ang ginawa umanong paraan ng pag interrogate ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Ron.

Ani niya,

“They should not coerce, much less publicize an admission especially if the admission was done without a lawyer. Did the arresting officers even warn teacher Ronnel of his rights to remain silent and right to an attorney when they arrested him? They clearly violated teacher Ronnel’s custodial rights.”

Walang nakikitang banta

Sinabi pa ni castro na wala namang seryosong banta kay Pangulong Duterte sa naging post ni Teacher Ron dahil wala naman itong P50M gaya ng nakasaad sa kanyang post.

"Alam Naman Na Joke Lang" Mr. Fifty Million, Overkill Nga Ba Ang Pagkakaaresto? 4
Photo credits: Pinas Balita

Dagdag pa dito, ayon kay Castro, si Ron umano ay ika-limang guro na na inaresto habang nasa quarantine period dahil lamang sa paglalabas ng kanilang hinaing sa gobyerno sa paghawak nito sa COVID pandemic. Kanya rin iginiit na nito lamang buwan ay na-aresto din ang mga gurong sina teacher Juliet at Eli Espiñosa ng General Santos City, Dale Gregory Medins ng Las Piñas City at Edison Carsera of Norzagaray.

Ani niya,

“The government is consistently weaponizing the law against those who point out the shortcomings of the government.”

"Alam Naman Na Joke Lang" Mr. Fifty Million, Overkill Nga Ba Ang Pagkakaaresto? 5
Photo credits: DZBB

Matatandaan na si Titser Ron ay una nang humingi ng paumanhin sa kanyang naging post nito noong May 5. Dahil umano sa gusto niyang maging famous dahil walang pumapamsin sa kaniyang tweet sa social media. Dagdag pa ni Castro, ang pag tweet daw ni Ron ay dahil sa bugso ng damdamin dahil sa pagkadismaya nito sa naging pagpapasara ng ABS-CBN kaya nagawa nyang maglabas ng hinaing laban kay Pangulong Duterte.

Samantala, si Titser Ron o kilala bilang si Mr Fifty Million Guy ay nahaharap sa kasong Inciting to Sedition kaugnay sa Cyber Crime Prevention Act at paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Source: Manila Bulletin

2 Comments

  1. Manoy Manoy May 13, 2020

    Tungkol sa eeacher na nag biro ng 50 milyon,kung joke lang ito ay mali yata, ang reason niya ay para mapansin siya para makakuha ng atnsyon ok lang mag biro pero siguro kahit na ang pres ay di si digong ay mali.tawag dito ay bastos at walang galang.teacher pa naman.

  2. Alberto jomangit Alberto jomangit May 14, 2020

    Hinde PO dapat “overkill”na naman Ang GINAGAMIT nyo na word Kasi padagdag tension Yan at pangpagulo.
    It was a normal arrest.
    Hinahanap address nya SA internet and was located.
    And was brought for questioning.
    Ayaw nyo Kasi TANGGAPIN na MAY PAGKAKAMALI SA GINAWA Ng guro nyo.
    GUSTO NYO ITUWID ANG BALUKTOT.
    MAY BATAS PO TAYO.
    KAYA DAPAT MANAGOT KUNG MAY GINAWA. KAMALIAN.
    HINDE PORKE NAG IINGAY KAYO AY ABSWELTO NA SA KASALANAN ANG GURO.

    Kapag pinakawalan Yan ay sigurado PO,
    MARAMI ANG GAGAYA SA GINAWA NYA.

    MGA GURO PA NAMAN KAYO,TAPOS MALI ANG TAKBO
    NG MGA UTAK NYO?

    KAYA PALA MARAMING KABATAAN NGAYUN AY MGA BOBO DAHIL TURO NYO AY MALI!
    “KUNG ANO ANG NAKIKITA SA MATATANDA,
    ay YUN DIN ANG GAGAWIN NG MGA BATA”.

    KUNG MALI TURO NYO,MALI DIN GINAGAWA NG MGA BATA.

    SABAGAY, MARAMI MGA GURO NGAYUN MGA BOBI AT TAMAD.
    PWERA SA MAGAGALING AT MAY DEDICATION ATRAJER.PASSION SA PAGTUTURO.

Leave a Reply

%d bloggers like this: