Press "Enter" to skip to content

Alamin: Biglang Pagbaba Ng Rate Ng Meralco Ngayong Hulyo!

Inanunsyo ng Manila Electric Co. (Meralco) na magkakaroon ng pagbaba ng electricity rate ang kanilang kumpanya. Ito ay dahil diumano sa mababang demand sa gitna ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine sa franchise area nito.

Ang rate

May bahagyang pagbaba ng electricity rate ang bill ng kuryente ngayong buwan ng Hulyo. Ayon sa Meralco, ay sinabi na bababa diumano ng 2.86 centavos per kwh ang singil sa kuryente para sa residential konsyumer na kumukunsumod ng 200 kWh. Sa pangkalahatang rate ay nasa pagitan ng P6 hanggang P14 ang inaasahang mababawas sa bill sa kuryente depende sa konsumo.

Dahilan ng pagbaba

Inuugnay ng Meralco na ang pagbabawas ng rate ng kuryente ay dahil sa pagbaba ng singil ng generation charge gayundin ang pagbaba ng demand ng kuryente sa lugar ng serbisyo nito sa panahon ng MECQ at GCQ. Dagdag pa nito, patuloy diumano na sinamantala ng MERALCO ang probisyon ng Force Majeure (FM) sa ilang mga Power Supply Agreement (PSAs) gaya ng pagbabawas ng gastos sa generation charge na sisingilin ng supplier ”. Matatandaang nagkaroon ang kumpanyang ito ng sunod-sunod na reklamo dahil sa pagsingil ng mataas na bill sa mga konsyumer noong nakaraang buwan.

Paliwanag ng Meralco

Sinabi ng kumpanya na sa buwang ito ang paghahabol ng Force Majuere (FM) ay umabot sa P265M na katumbas ng pagtitipid sa customer ng P0.0877/ kWh sa singil ng generation charge. Samaktuwid, ipinapakita nito ang iniiwasan na mga singil mula sa pansamantalang pagsuspinde ng mga kontrata ng supply ng mid-merit kamakailan na naaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC)”. Dagdag pa nito kung wala diumano ang pag ako ng FM, ang kabuuang rate ay maaring tumaas pa ng P0.0717 bawat kWh mula sa rate ng nakaraang buwan.

Paliwanag Ng Meralco- Kuryente
Photo Credit: Inquirer

Samantala, sinabi ng kumpanya na hindi ito kumita mula sa mga dumaan na mga singil, tulad ng mga singil sa generation charge at transmission. Ang pagbabayad para sa singil ng generation charge ay mapupunta sa mga supplier ng kuryente, habang ang bayad para sa transmission charge ay mapupunta naman sa National Grid Corp. ng Pilipinas.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: