Press "Enter" to skip to content

Alamin: Mga Karagdagang Ruta Na Bubuksan Ayon Sa DOTr!

Nag anunsyo ang Department of Transportation (DOTr) tungkol sa mga karagdagang ruta ng bus na kanilang bubuksan. Ang ilan sa mga ito ay sa parte ng Metro Manila at sa iba pang malalapit na probinsya.

Ang dahilan ng anunsyo

June 5- Ang tungkol sa anunsyong ito ng DOTr ay bilang bahagi diumano sa dahan-dahang pagbabalik operasyon ng mga pampasaherong sasakyan sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) sa NCR. -Ayon kay DOTr assistant secretary Goddes Hope Libiran.

Aniya,

“…nagbigay ng direktiba ang presidente na dagdagan pa ang ruta ng mga bus na bumabyahe sa Metro Manila simula bukas, araw ng Biyernes. Alinsunod dito, tatlong ruta po ang binuksan ng DOTr bukas at tatlong ruta po ang dadagdag sa Lunes,” presidential spokesperon Harry Roque said.

Ang mga rota

Ang ilan sa mga rota na bubuksan ngayong Biyernes ay ang tatlong city bus routes na Route 1: Monumento – Balagtas, Bulacan, Route 17: EDSA – Montalban, Rizal at Route 18: NAIA Loop ayon sa Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB).

Ang Mga Rota- Commuters
Photo Credit: Philstar

Sa Lunes ang kasunod naman na magbubukas ay ang city bus routes at para sa ika-8 ng Hunyo ay ang Route 3: Monumento – VGC, Route 11: Gilmore-Taytay at Route 21: Monumento – San Jose Del Monte.

Mga operator bus

Samantala ayon sa LTFRB ay kinausap na diumano nila ang mga bus operator upang malaman ng mga ito kung ilang unit pa lamang ang kinakailangan na ma-ideploy agad sa mga lansangan. Ang karagdagang rota ay bahagi naman ng 31 rationalized routes para sa Metro Manila na unti- unting bubuksan sa ilalim ng GCQ.

Ang hakbang na ito na ginawa ng LTFRB ay upang mapunan at maibsan diumano ang pangangailangan ng mga commuters na makapaghahatid sa kani-kanilang mga destinasyon sa Metro Manila na limitado pa lamang ang sakay. Ang DOTr ay layunin ang makapagbukas ng 31 total na ruta ng mga bus.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang Pinasbalita.org

Source: GMANews

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: