Press "Enter" to skip to content

Alamin: Mga Lugar Na Kasama Sa Tatanggap Ng 2nd Tranche Ng SAP!

Ang pagbibigay ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program sa mga piling lugar ay base sa inaprubahang guidelines ng ilang mga ahensya ng gobyerno. Ito ay ayon mismo sa paglilinaw ng Department Of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang memorandum

Sinabi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD noong Huwebes ika-2 ng Hulyo na ang Joint Memorandum Circular No. 2 series of 2020 ay pinirmahan ng iba’t-ibang ahensya na konektado sa nasabing programa. Ang ilan sa mga lumagda dito ay ang DSWD, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Department of Interior and Local Government at ilan pang mga departamento.

Ang memorandum- SAP
Photo Credit: Abante

“As one of the implementing agencies of the [SAP], the DSWD clarified that it adhered to the guidelines stipulated in the Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2, S. of 2020 regarding the areas that will be covered by the second tranche of the emergency subsidy program,” DSWD said in a statement.

Ang mga lugar

Kaugnay nito ay inilabas din ng departamento ang 11 lugar na kabilang sa mga makakatanggap ng 2nd tranche ng ayudang ito. Kabilang sa mga lugar ang Region III except Aurora Province, National Capital Region, Region IV-A, provinces of Benguet, Pangasinan, Iloilo, Cebu Province, Albay Province, and cities of Bacolod, Davao, and Zamboanga City.

Ang Mga Lugar- SAP
Photo Credit: Philstar

Sinabi pa ng DSWD na ang desisyon sa pamimigay ng ayuda sa mga nabanggit na lugar ay ang memorandum ay nagmula kay Executive Secretary Salvador Medialdea noong ika-2 ng Mayo, kasabay nito ay ang iba pang resolusyon na mula naman sa Inter-Agency Task Force.

Ang mga nasa GCQ

Matatandaang naglabas ng abiso noon ang gobyerno kung saan sinabi na ang mga lugar na sasailalim sa GCQ ay hindi na makakasama pa sa tatanggap ng ikalawang ayuda. Ang sistemang ito ay isa sa nag udyok kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda upang hilingin sa lokal na pamahalaan na muling ibalik sa ECQ ang Albay noong Mayo 1.

Ang nasa GCQ- SAP
Photo Credit: Remate

Ang SAP ay mula sa mandato ng Bayanihan to Heal As One Act na isang ayuda pantawid gutom para sa 18 milyong pamilya na naapektuhan ng suspensyon ng trabaho dahil sa pandemyang COVID-19.

Samantala, ang nabanggit na pamimigay ng ikalawang ayuda ay nagsimula na sa ilang nabanggit na lugar.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: