Press "Enter" to skip to content

Alamin: Mga Lugar Na Muling Itataas Ang Quarantine Sa Darating Na Hulyo, 15!

Sa darating na Hulyo, 15 sa pagtatapos ng kasalukuyang guidelines ng quarantine status ay magkakaroon muli ng desisyon ang Pangulo, kung saan may ilang mga lugar na maaring itaas o higpitan pang muli ang quarantine protocols. Ito ay dahil sa nakitang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Magiging kapalaran

July, 13- Sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque na sa darating na pagtatapos ng kasalukuyang quarantine status sa July, 15 ay nakahanda naman na ang bagong desisyon ng Pangulo para sa bagong ipatutupad muli hanggang sa darating naman na July 16-31. Ito ay inansuyo ni Roque matapos ang pakikipag pulong ng Pangulo sa Inter-Agency Task Force tungkol sa kanilang rekomendasyon sa etado ng bansa sa pandemya.

Magiging Kapalaran- Quarantine
Photo Credit: Cnn

Samantala, nagkaroon naman ng diskusyon ang Pangulo sa ilang local executive chief sa magiging kapalaran ng ilang probinsya, bayan at siyudad sa magiging desisyong ito ng Pangulo.

Pag-escalate

Kabilang sa magiging desisyon ni Pangulo Duterte ay ang pag-escalate o pagtaas muli ng quarantine guidelines sa ilan pang mga lugar base sa nakitang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso pa din ng COVID-19. Ang iba naman lugar ay maaring manatili pa din sa General Community Quarantine (GCQ) base sa rekomendasyon mula sa ilang mga Mayors ng lungsod sa Metro Manila.

Pag-escalate- Quarantine
Photo Credit: Philstar

Ito ay dahil din sa lalo pang pagtaas ng bed occupancy sa ilang mga hospital.

“At this point, the data does not indicate na pupwedeng magluwag at least sa Metro Manila,” -Ani Roque

Resulta sa patuloy na pagtaas

Samantala, dahil sa patuloy na pagtaas ng ilang mga kaso ng COVID-19 ang ilang mga hospital sa Metro Manila gaya ng St. Lukes at Makati Medical Center ay puno na para sa kapasidad lamang nitong mga dedicated bed para sa mga infected patient ng nasabing virus.

Resulta- Quarantine
Photo Credit: Inquirer.net

Gayunpaman, kahit hindi nabanggit ni spokesperson Harry Roque ang mga lugar na sasailalim sa”escalate” ay sinabi naman nito na ang huling desisyon ay nakasalalay pa din sa Pangulo.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: CNN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: