Press "Enter" to skip to content

Alamin: Mga Online Seller Na Ligtas Sa Pagbabayad Ng Buwis, Inihayag Ni Roque

Ligtas sa pagbabayad ng buwis ang mga online seller na ang kita ay hindi tataas sa P250,000 sa loob ng isang taon. Ito ang naging paglilinaw ng Palasyo matapos magreklamo sa social media ang maraming online seller ukol sa usaping pagbabayad ng tax.

Tax exempted

Nitong Huwebes, Hunyo 11, nilinaw ni Presidential Spokesperson na hindi ibig sabihin na rehistrado ang online business ay kailangan na itong magbayad ng buwis.

Alamin: Mga Online Seller Na Ligtas Sa Pagbabayad Ng Buwis, Inihayag Ni Roque 2

Aniya, ”If your online business net income does not exceed P250,000 eh wala po talaga kayo ibabayad”

Matatandaan naglabas ng memorandum ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na nag uutos sa mga online seller na magparehistro sa nasabing ahensya upang masigurong sila ay tax compliant. Nagbigay din ng deadline ang naturang ahensya na gawin ang pagpaparehistro bago matapos ang Hulyo 31 upang maiwasan ang anumang penalty.

Alamin: Mga Online Seller Na Ligtas Sa Pagbabayad Ng Buwis, Inihayag Ni Roque 3

Sabi ng BIR, “All those who will register their business activity and/or update their registration status not later than July 31, 2020 shall not be imposed with penalty for late registration.”

Alamin: Mga Online Seller Na Ligtas Sa Pagbabayad Ng Buwis, Inihayag Ni Roque 4

POGO muna ang habulin

Kinwestiyon naman ni Senator Risa Hontiveros ang utos na ito ng BIR. Aniya, bakit hindi muna unahin ng gobyerno na habulin ang mga utang sa buwis ng mga POGO na umaabot na sa P50 billion. Napaka-higpit umano ng pamahalaan sa mga Pilipino, samantalang napaka luwag naman sa mga Tsino.

Alamin: Mga Online Seller Na Ligtas Sa Pagbabayad Ng Buwis, Inihayag Ni Roque 5

Sinagot naman ito kaagad ni Roque. Aniya, patuloy sa pag kolekta ang pamahalaan sa mga utang na buwis ng mga POGO. Katunayan, hindi umano nila pinapayagan na magbukas muli ang mga ito hangga’t hindi nakakabayad ng buwis.

Reaksyon ng mga online seller

Umang samu’t saring pagbatikos ang nasabing memorandum mula sa maraming online seller. Anila, kakarampot lang ang kinikita nila mula rito kung kaya hindi makatarungan na pwersahin pa sila na magbayad ng buwis.

Dahil sa krisis ng COVID-19 biglang dumami ang mga Pinoy na naeengganyo na mag online business. Ito kasi ang naging diskarte ng mga Pinoy upang kahit paano ay mairaos ang kanilang pang araw-araw na gastusin. Marami kasi ang natigil o permanenteng nawalan ng hanapbuhay bunsod ng lockdown.

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: