Press "Enter" to skip to content

Alamin: Pagnanakaw Sa Gcash At Second Tranche Ng SAP, Bagong Modus Ng Mga Scammer

Pinag-iingat ngayon ang mga benificiaries ng Social Amelioration Program o SAP dahil sa bagong modus ng mga hacker na nagpapanggap na taga DSWD upang makuha ang Gcash account number at pera ng biktima.

Bagong modus ng mga hacker

Ayon sa Facebook post ng Caloocan News and Media Blog, may kumakalat umano na text message kung saan nagpapakilala ang mga hacker na taga DSWD. Sinasabi sa text na natanggap na ng biktima ang kanyang ikalawang bugso ng ayuda mula sa SAP. Magbibigay ito ng link kung paano mo umano makukuha ang pera.

Alamin: Pagnanakaw Sa Gcash At Second Tranche Ng SAP, Bagong Modus Ng Mga Scammer 2

Ngunit kapag kumagat ang biktima at binuksan ang link na bigay nila ay doon na ihahack ang Gcash account at nanakawin ang pera ng mabibiktima. Mapupunta ang biktima sa isang site kung saan hihingan pa ito ng bayad para umano ma withdraw ang lahat ng kanyang pera mula sa SAP.

Scamming sindicate

Ang impormasyon na ito umano ay ipinadala sa kanila ng isang concerned citizen na isa sa muntik ng mabiktima ng nasabing scamming sindicate.

Marami na umanong nabibiktima ang mga kawatan dahil sa pag-open ng mga biktima sa link na bigay ng mga scammer. Kaya naman babala nila, mag ingat sa nasabing modus. Mas maigi na hintayin ang anumang anunsyo mula sa lehitimong taga DSWD bago gumawa ng ano man aksyon.

Babala sa mga SAP beneficiaries

Ang lehitimong text mula sa DSWD ay hindi magbibigay ng ano man link. Bagkus, Gcash mismo ang magbibigay ng detalye ng pera at naka deposito na ito agad sa Gcash account at wala ng dapat pang gawin o bayaran upang makuha ito.

Hindi tuloy maiwasan na mangamba ang ilang mga netizen lalo na ang mga beneficiaries ng SAP. Ayon sa kanila baka imbes na pakinabangang nila ang ayuda mula sa gobyerno ay mauna pa sa kanila ang mga kawatan. Sabi naman ng iba ay tila mas mainam pa ang normal na proseso kung saan ikaw mismo ang pipila at kukuha sa barangay ng ayuda.

Source: Caloocan News And Media Blog

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: