Press "Enter" to skip to content

Alamin: Paraan Ng Pagkuha Ng P20,000 Cash Aid Para Sa Nawalan Ng Trabaho, Idinetalye Ng SSS

Inanunsyo ng ahensya ng Social Security System (SSS) na magbibigay sila ng cash aid sa mga kanilang miyembro na natanggalan ng trabaho. Hanggang P20,000 ang maaaring matanggap ng isang miyembro depende sa kanilang buwanang sweldo.

Benepisyo mula sa SSS

Ang anunsyo ay mula kay SSS Public Affairs and Special Events Division Head Fernando Nicolas nitong Martes, June 9. Aniya, kung magkano ang kita sa loob ng isang buwan ng isang SSS member ay iyon din ang matatanggap niya, subalit hindi ito maaaring lumabis sa P20,000.

Alamin: Paraan Ng Pagkuha Ng P20,000 Cash Aid Para Sa Nawalan Ng Trabaho, Idinetalye Ng SSS 2

“Up to P20,000 o katumbas po ito ng one month salary credit. Halimbawa, ang isang miyembro ay naghuhulog ng para a P20,000 monthly salary credit, makakakuha po siya ng ganung halaga.”

Mga kailangan sa pagkuha ng SSS cash assistance

Dagdag pa ni Nicolas, madali lamang ang pag asikaso ng pagkuha ng cash benefit. Tanging sertipikasyon mula sa Department of Labor and Employment o DOLE at detalye ng savings account ang kailangan upang ma proseso ang kanilang benepisyo.

“Ang kailangan lang nilang i-present ay yung certification galing sa DOLE na sila ay involuntarily separated. Tapos i-present nila yung savings account kung saan natin ide-deposit,”

Para naman sa mga Overseas Filipino Workers o OFW, maaari nilang kunin ang nasabing sertipikasyon sa tanggapan ng Philippine Overseas Employment Office (POLO).

Proseso ng pagkuha

Limang araw matapos maaprubahan ng nasabing ahensya, maaari ng makuha ng miyembro ang benepisyo. Subalit hindi buong halaga ang ang makukuha. Hahatiin kasi ang nasabing cash benefit sa dalawang buwan.

Paglilinaw naman ni Nicolas, iba pa ito sa mga cash assistance benefits na ibinibigay ng pamahalaan. Ibig sabihin, kahit benepisyaryo na ng SAP o kahit alin tulong mula sa gobyerno, ay maaari pa rin makatanggap ng ayuda mula sa SSS.

Pagpapatuloy pa ni Nicolas, hindi kailangan na kaugnay ng krisis sa COVID-19 ang maging dahilan ng pagkatanggal sa trabaho. Subalit, ang mga miyembro na nakarehistro bilang self employed ay hindi maaaring mabigyan ng nasabing ayuda.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: