Press "Enter" to skip to content

ALAMIN: Suhestyon Ukol Sa Pedestrian at Bicycle Lane Sa Edsa, Posible Nga Ba?

Inirekomenda ni Architect Felino Palafox Jr. ang isang elevated pedestrian at bicycle lane sa EDSA at ang linear park sa ilalim nito na pinaniniwalaang makatutulong upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan at mabawasan ang init at polusyon sa bansa.

Larawan ng suhestsyon

Ipinahayag ng principal architect-urban planner of Palafox Associates and Palafox Architecture Group ang kanyang suhestyon ukol sa pagpapabuti ng kalagayan ng EDSA ngayon, pagkatapos ng quarantine, at sitwasyon sa hinaharap.

Panukala ni Palafox ay ang elevated walkway para sa tao at bisikleta, pagpapalapad sa mga sidewalk, paglalagay ng side lanes, at ang pagdadagdag ng mga public park.

ALAMIN: Suhestyon Ukol Sa Pedestrian at Bicycle Lane Sa Edsa, Posible Nga Ba? 2
Source: MSN

Pahayag niya, ang mga gilid ng kalsada ay dapat na magkaroon ng puwang (one-third) para sa mga maglalakad at para sa mga bisikleta, one-third para sa mga puno at landscaping, at ang natitirang espasyo ay para sa mga sasakyan.

ALAMIN: Suhestyon Ukol Sa Pedestrian at Bicycle Lane Sa Edsa, Posible Nga Ba? 3
Source: Facebook

Ipinakita ni architect Felino Jr. ang mga larawan at halimbawa ng posibleng itsura para sa Edsa at sa Clark Freeport Zone transport corridor, kasama na rito ang master plan para sa Metro Davao.

ALAMIN: Suhestyon Ukol Sa Pedestrian at Bicycle Lane Sa Edsa, Posible Nga Ba? 4
Source: Facebook

Posible itong mangyari

Sa EDSA, iminumungkahi ni Palafox ang elevated na mga daanan ng pedestrian na maglalaan rin ng espasyo para sa mga magbibisikleta, na may parke sa ibaba upang mabawasan kahita papaano ang polusyon sa hangin.

ALAMIN: Suhestyon Ukol Sa Pedestrian at Bicycle Lane Sa Edsa, Posible Nga Ba? 5
Source: Facebook

Pinaplano rin niya ang pagtatayo ng mga tulay (pedestrian-bicycle), na may sukat na 800 metro sa Pasig, San Juan at Marikina Rivers at iba pang mga daungan ng tubig na magbibigay daan sa mga taong maglalakad o  magbibisikleta sa kani-kanilang mga patutunguhan.

Aniya,

“The situation on Edsa is not hopeless.”

Naniniwala siya na maaari itong maisakatuparan kung ang mga nagpapasya sa desisyon ay may nais na ipatupad ang mga planong ito.

Mas mabuting maglakad at magbike

Bagama’t pasakit ang dulot ng pangdemyang COVID-19 sa bansa, ‘di makakaila na sa mga panahong ito, naging malinis ang kalangitan sa maraming lugar sa Pilipinas partikular na ang Metro Manila, na ngayon ay mas mababa ang polusyon sa hangin matapos na mabawasan ang mga sasakyan sa mga lansangan dulot ng pinaigting na mga hakbang kontra COVID-19.

ALAMIN: Suhestyon Ukol Sa Pedestrian at Bicycle Lane Sa Edsa, Posible Nga Ba? 9
Source: GMA News

Lubos na hinihikayat ng Department of Transportation ang paggamit ng mga bisikleta, maliban sa mga motorsiklo, matapos na ipahayag ang mga patnubay para sa transportasyon sa kalsada na nagpapaalala sa mga pasahero ng mahigpit na social distancing sa mga pampublikong/pribadong sasakyan tulad ng tren, bus, jeepney, tricycle, shuttle sevices, utility van at mga taxi sa sandaling pakawalan na nga ang hakbang ukol sa lockdown.

Sinabi ng arkitekto na si Felino Palafox Jr.,

“Walking and biking are the best transport modes for social distancing. Pedestrian and bicycle infrastructure are low-hanging fruits—they’re cheaper, doable and democratic since all of us are pedestrians”

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: