Press "Enter" to skip to content

Alaminos, Pangasinan Mayor Celeste, Yorme At Mayor Vico Levels Rin!

Sa gitna ng krisis ukol sa kalusugan na pinagdadaanan hindi lamang ng buong mundo kundi ng buong bansa ay kinakailangan ang sinserong pagtutulungan ng bawat isa. Ito ang panahon na higit na kinakailangan ng bawat pamilya ang tulong ng gobyerno partikular na ang lokal na gobyerno.

Pinaka-batang alkalde

Viral ang post ng netizen na si Ivy Rose Glema Pelipel sa kanyang appreciation post sa kanilang alkalde sa Alaminos City, Pangasinan. Ang kanilang alkalde ay diumano pinakabatang alkalde na si Mayor Arth Bryan Celeste. Aniya ay isa itong tunay na mayor na maituturing. Ito mismo ang nagbabahay bahay para mamigay ng relief goods sa kanyang mga nasasakupan. Sinisigurado nito na lahat ay mabibigyan, walang pinipili.

Alaminos, Pangasinan Mayor Celeste, Yorme At Mayor Vico Levels Rin! 2

Good job mayor!

Ani Pelipel sa kanyang post,

“Eto ang tunay na Mayor 😍 Isa sya sa mismong nagdidistribute ng relief goods para sa bayan nya , walang pinipiling pagbibigyan😊 House to house ❤ Good Job Mayor Arth Bryan Celeste 😊 Bonus nalang na pogi sya ❤”

Alaminos, Pangasinan Mayor Celeste, Yorme At Mayor Vico Levels Rin! 3

Si Alaminos City Mayor Celeste ay 23-taong gulang lamang. Ayon sa netizen, bonus na ang pagiging pogi nito liban sa pagiging mapagmahal sa kanyang lungsod. Sa mga viral photo ay makikita ang pagiging matulungin ni Celeste, makikitang ito pa ang nagbubuhat ng kaban ng bigas, at personal na nagaabot sa mga bahay bahay ng suplay. Kasabay nito ay nagkakaroon ito ng pagkakataon na makausap ng personal ang mga tao.

Role Model

Dahil sa impluwensya ng social media ay nakaka-akses ang lahat ng tao sa bawat galaw ng ating mga mayor. Nakikita ang pagiging transparent ng bawat alkalde at kung sino din ang nararapat na kalampagin ng taumbayan.

Alaminos, Pangasinan Mayor Celeste, Yorme At Mayor Vico Levels Rin! 4

At dahil nga marami ang bilib kina Manila Mayor Isko, Mayor Vico ng Pasig, Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, at Marikina Mayor Marcelino Teodoro sa paghawak ng kanilang mga nasasakupan at kung paano ang aksyon na ginagawa nila sa kanilang lungsod, tila isang malaking pressure sa maraming iba pang mayor ang mas igihan ang pangangalaga sa kanilang mga nasasakupan.

Source: Facebook Ivy Rose Glema Pelipel

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: