Press "Enter" to skip to content

Albay Mayor Nagpaharvest Ng Sariling Fish Pond Para Sa Kanyang Kababayan!

Rapu-Rapu, Albay – Nakatanggap ng sariwang isda galing mismo sa fish pond ng kanilang mayor ang mga residente ng munisipalidad. Ito ay bilang tulong sa mga kababayan na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipinapatupad sa buong Luzon.

Pinuri si mayor

Ang bayan ng Rapu-Rapu ay isang isla na kabilang sa probinsya ng Albay, matatagpuan sa rehiyon ng Bicol. Noong Linggo, pinaharvest ni Mayor Ronald “Boy” Galicia ang kanyang sariling fish pond. Ang naaning mga isda ay ipinamigay niya ng libre sa kanyang mga kababayan.

Albay Mayor Nagpaharvest Ng Sariling Fish Pond Para Sa Kanyang Kababayan! 2

Sa nai-share na Facebook post ni Ryte Niraga, pinuri niya ang mayor dahil sa pamamahagi ng tulong sa kanyang nasasakupan. Lalong lalo na at naka lockdown ang probinsya sa ngayon. Malaking kaluwagan na hindi lang puro de-lata ang tinatanggap na tulong ng mga tao.

Personal na ipinamahagi

Ang mga isdang na-harvest sa palaisdaan ng mayor ay mga bangus at tilapia. Napuno nito ang dalawang multicab at siya mismo ang nagbahay-bahay para ihatid ang mga isda sa kanyang mga kababayan.

Albay Mayor Nagpaharvest Ng Sariling Fish Pond Para Sa Kanyang Kababayan! 3

Ang bawat pamilya ay nakatanggap ng tig-tatlong tilapia at isang bangus na higit namang pinagpasalamat ng mga residente. Hulog ito ng langit sa mga taga Rapu-Rapu, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Proud albayanon

Nakakaantig naman ang komento ng isang OFW tungkol sa ginawa ni Mayor Galicia. Ayon kay Chris Marasigan, mapapanatag na ang kanyang loob dahil inaalagaan ng mayor ang kanyang pamilyang naiwan. Masaya siya na buong puso at may simpatiya ang pagseserbisyo ni Galicia. “I salute you, Mayor Galicia”, dagdag pa niya.

Albay Mayor Nagpaharvest Ng Sariling Fish Pond Para Sa Kanyang Kababayan! 4

Ayon sa dagdag na komento, walang pinipili ang pamimigay ng mayor. Lahat ng nangangailangan ay makakatanggap ng libreng biyayang ito. Ito ay nagpapakita na may mga lider na isinasantabi ang pulitika at handang tumulong ng buong puso.

Umani ng mahigit sa tatlumpung libong shares at isang libong komento ang nasabing post. Ramdam na ramdam ang tuwa at pasasalamat ng mga tao sa kabutihang ginawa ng kanilang mayor.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: