Press "Enter" to skip to content

Alden Richards, May Pa-Giveaways Sa Kanyang Mga Fans!

Ang sikat na aktor, modelo, singer at streamer ay namahagi ng cash gifts at gadgets sa kanyang mga fans at mga estudyante na sumusubabay sa kanya. Napagdesisyunan ni Alden na magbigay ng mga gadgets sa mga estudyanteng nangangailangan dahil gagawin nang online ang pag-aaral.

Si Alden Richards

Bago pa man mapabilang si Alden Richards sa programang Eat Bulaga at maging ka love team si Maine Mendoza, marami na siyang ginanapan sa mga palabas.Lumabas siya sa The Road, Karelasyon, Tween Hearts at Alakdana. Marami na rin siyang napanalunang mga awards bilang pagiging artista niya at kamakailan ang nanalo siya ng 2019 Asian Star Prize sa South Korea.

Alden Richards, May Pa-Giveaways Sa Kanyang Mga Fans! 2
Photo Credit: GMA Network

Maliban sa pagiging actor at modelo, kasalukuyan na siyang host sa Eat Bulaga at isa na rin siyang online streamer. Nagsimula si Alden maglaro dahil sa pananatili sa bahay dulot ng pandemya, at doon niya na nga inumpisahan ang kanyang online platform sa Facebook na #ARGaming, na kung saan ang Facebook page niya ay ginawa niyang game page.

Ang giveaway

Ang pamamahagi ng cash gifts at gadgets ay ginawa sa kanyang game page. Ang game page na nasabi ang ginagamit niyang paraan upang makihalobilo sa kanyang mga tagahanga dahil hindi nga makakalabas dahil wala pang vaccine kontra sa Covid-19, ito rin ay kanyang ginagamit upang makahanap at makipaglaro sa mga kapwa niya gamers.

Alden Richards, May Pa-Giveaways Sa Kanyang Mga Fans! 3
Photo Credits: Alden Richards

” So it’s also a good way of interacting to people who miss you, especially the followers, the fans and ‘yong mga supporters natin d’yan,” ayon kay Alden.

Nagkakaroon siya ng giveaway tuwing may stream siya ng kanyang paglalaro, namimigay siya ng cellphone, tablet, at mga laptop. Ito ang kanyang mga ipinamimigay dahil nais niya makipagsabayan ang mga estudyante sa susunod na pasukan kung saan ito ay magiging new normal na at gagawing online ang pag-aaral.

Dahilan sa pagtulong

Inihawig ni Alden Richards ang kanyang pag-stream at sa pag-aaral ng mga estudyante, at para sa kanya importante ang pagkakaroon ng mga gadgets na makakatulong sa kanila at matutugunan ang kanilang pangangailangan. Katulad na lamang ng isang nanalo, isa siyang estudyante at ang perang napanalunan ay magagamit niya sa kanyang tuition para sa susuod na pasukan.

Alden Richards, May Pa-Giveaways Sa Kanyang Mga Fans! 4
Photo Credit: Alden Richards

Sa pagiging gamer ni Alden ay nakakatulong na siya sa mga taong nangangailangan. Nais niya rin ipalaganap ang responsableng paglalaro, na kung saan may teamwork, hindi nagsasabi ng masasakit na salita o kaya naman nambabastos ng iba pang mga gamer.

Source: Good News Pilipinas

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: