Press "Enter" to skip to content

Alert Status ng Mayon Volcano, Ibinaba ng PHIVOLCS sa Alert Level 1

Inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong Biyernes (Hulyo 17) ang pagbaba ng Alert Level Status ng Mayon Volcano, mula sa Alert Level 2 noong ika-29 ng Marso taon 2018, ito ay ibinaba ng Alert Level 1.

Ang pag-anunsyo

Kinaumagahan noong Biyernes, inihayag ng PHIVOLCS ang patuloy na pagbaba sa aktibidad ng Mayon na kanilang sinusubaybayan. Bumaba ang mga naitalang aktibidad nito tulad ng isang beses lamang na volcanic earthquake kada araw noong nakaraang anim na buwan at mababang lebel sa pagbuga ng sulfur dioxide.

Alert Status ng Mayon Volcano, Ibinaba ng PHIVOLCS sa Alert Level 1 2
Photo Credit: GMA Network

“The overall low-level seismicity indicates that there is currently no active transport of eruptible magma to the shallow levels of the volcano,” it said.

(“Ang pangkahalatang nararamdaman ay nagpapakita na sa ngayon ay walang aktibong paggalaw ng magma papunta sa ibaba nito,”pahayag nila.)

Ito ay nangangahulugan na ang posibleng pagputok nito sa hinaharap ay nawala.

Dahilan sa pagbaba nito

Nagpakita ang Mayon ng pagbaba ng aktibidad nito, una na ang pagbaba nito sa volcanic earthquake na kung saan ang nararamdaman ay sanhi ng paminsan-minsan na rockfall events. Pagbaba sa pagbuga ng sulfur dioxide, na 300 hanggang 700 na tonelada lang noong Enero 2020, at nagtala ng pinakamababa nito na nasa 229 na tonelda noong ika-30 ng Hunyo.

Mababa rin ang steaming activity ng bulkan, ang crater glow ay humina at makikita lamang sa tulong ng telescope. Mayroon namang pagbabago sa lupa, may nakitang onting pamamaga sa katawan nito ngunit makikita lamang ito sa ibaba hanggang sa gitnang bahagi ng bulkan.

Ang babala

Gayunpaman, pinaalalahanan ng PHIVOLCS na ang pagbaba sa alert level nito ay hindi nangangahulugan na mawawala ang pagiging unrest ng bulkan. Paliwanag nila nakapag mayroon ulit naitalang pagtaas sa mga aktibidad nito, maaari ulit itong mailagay sa Alert level 2.

Alert Status ng Mayon Volcano, Ibinaba ng PHIVOLCS sa Alert Level 1 3
Photo Credit: ABS-CBN News

Hindi rin muna panahihintulutan ang pagpasok sa six-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa mga delikadong rockfalls, avalanche, ash puff, at bigla-biglang pagbuga ng steam malapit dito. Pinag-iingat din ang mga taong malapit na naninirahan dito lalo na ang mga nakatira sa maaaring daanan lahar kapag may nangyaring matagal at malakas na pag-ulan sa darating na panahon ng tag-ulan.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: