Press "Enter" to skip to content

Alessandra De Rossi: ‘Di Ako Takot Lumaban, Pero Takot Ako Mategi!’

Manila, Philippines – Matapos magsalita si Angel Locsin sa noise barrage sa ABS-CBN at manawagan sa mga kapwa niyang artista na magsalita rin para suportahan ang kanilang naipasarang network, naglabasan isa-isa ang kanyang mga kasamahang ka-pamilya stars.

Paliwanag ni Alex

Nanindigan naman ang aktres na si Alessandra de Rossi na hindi talaga siya nagpupunta sa mga rally salungat sa ginagawa ng iba niya kasamahan sa ka-pamilya network. Nagpahayag si Alex ng kaniyang paliwanag sa twitter account nito na parang sinagot ang litanya ni Angel Locsin sa panawagan niya para sa kasamahang artista.

Alessandra De Rossi: 'Di Ako Takot Lumaban, Pero Takot Ako Mategi!' 2

Ani ni Alex,

“May covid. Maawa ka. Tsaka di ako okay (mentally) pag madaming tao. Birthday party nga, di ako umaattend, rally pa?”

Pinaliwanag din ni Alex kung bakit siya hindi pumunta sa rally ng Kapamilya.

Wika nito,

“Walang mali sa umattend ng rally dahil may gusto sila Ilaban. Walang mali sa gusto palipasin muna to be sure. Isa lang kalaban ngayon at hindi ako yun. Iba tong sakit na to.”

Takot ma-tegi!

Nilinaw naman ni Alex na hindi siya galit ngunit hindi rin siya nagpapatawa.

Dagdag pa niya,

“Hating hati na tayong lahat dahil sa mga interest na pang personal, pang mahal sa buhay, pang tama at mali. At this point, pag lumaban ka, mayabang ka. Pag nanahimik ka, wala kang paki. Pag pray ka nalang, inasa mo kay Lord.”

Sinabi rin ni Alex na ang malaking problema ay takot siya sa Covid 19.

Sambit nito,

“Ako pa ba? Kaya nga madami nagiisip maldita ako dahil pag tama ako, di ako takot magsabi ng totoo at magmukhang mali. Pero yung covid ay wala akong xray vision para dyan.”

Dagdag pa niya,

“Yung totoo, takot ako dyan. Wala akong planong makausap sya ng personal. Wala akong planong matalo dyan. Feeling ko kung nasa Pinas nanay ko ay babatukan ako nun kung lumabas ako. Iba iba tayo ng kinalakihan. Iba iba tayo ng laban.”

Point of view ni Alex

Sinabi rin ni Alex na wala siyang maraming pera na panggastos kung sakaling dapuan siya ng nakamamatay na sakit.

Sambit niya,

“Btw, going back to covid? Ilan pa mawawalan ng work o matatawag na bobo?” sabi pa ni Alex na parang may ibig sabihin. Wala akong pagsisisihan if my only goal is to stay alive and do only what I can. Dahil di ko pa tapos bayaran insurance ko para may makuha pag nadeadz ako.”

Dagdag pa niya,

“Wala naman akong savings, ni pang ospital wala. Ang importante ngayon.. Mabuhay tayo. So twitter nalang! Anyway, wala na akong planong makipag diskusyon sa ayaw naman makinig. I respect everyone who fights, I respect everyone who shuts up, for now…till may covid.”

Tinapos naman niya ang pahayag at sambit muli nito,

“And I will end it with the same statement, hindi ako takot lumaban. Pero takot ako sa nanay ko at sa covid. Peas.”

Source: MSN Entertainment

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: