Press "Enter" to skip to content

Alice Dixson, Ikinwento Na Ang Tunay Na Pangyayari Sa “Taong Ahas” Incident

Tulad ng ipinangako ng aktres na si Alice Dixson, inilabas na niya ang tunay na kwento sa likod ng urban legend na taong ahas.

Tunay na pangyayari

Inamin niya na totoong minsan ay nag change outfit siya sa sa bathroom sa Robinsons Galleria. Dahil kilala bilang sikat na aktres ay hindi maiwasan na marami ang mag usyoso sa kanya habang nasa loob ng mall.

Alice Dixson, Ikinwento Na Ang Tunay Na Pangyayari Sa “Taong Ahas” Incident 2

Kwento niya, “Natatandaan ko nga may nag-uusyoso sa labas and for some reason, while I was inside the bathroom, I said, ‘Tuklaw! Tuklaw!’

Now, I don’t really know kung bakit ko iyon ginawa. Siguro kasi, I was just being funny? I was trying to get a laugh sa mga kasamahan ko? I was being young and silly.

Dagdag pa niya, “And also because iyong time na iyon, iyong kasamahan ko sa pelikulang Dyesebel na si Richard Gomez, he had a movie that came out called “Tuklaw”, at uso iyon noon.”

Pagsikat ng “taong-ahas” issue

Hindi akalain ng aktres na ang biro niyang iyon ay magiging sikat na urban legend. Inamin din niya na kinokontak siya noon ng representative ng Robinsons noon subalit hindi niya sinasagot ang tawag nito.

Alice Dixson, Ikinwento Na Ang Tunay Na Pangyayari Sa “Taong Ahas” Incident 3
Photo Source: PEP.ph Alice Dixson Robinsons Galleria

“Siguro they wanted to ask me if I made these comments and these accusations, but I dismissed it. I dismissed it and went on with my business.”

Nothing really happened

Paglilinaw ni Alice, walang katotohanan ang mga bali-balita noon. Kaya umano siya nanatiling tahimik noon ay dahil hindi niya ugali na pumatol sa mga issue na wala namang katotohanan.

Alice Dixson, Ikinwento Na Ang Tunay Na Pangyayari Sa “Taong Ahas” Incident 4
Photo Source: PEP.ph Alice Dixson Robinsons Galleria

“Nothing really happened in the way the urban legend or the myth dictates. Kunwari, hindi naman ako nahulog sa trap doo. Hindi naman ako tumakbo sa corridor palabas papuntang hotel,”

“Hindi din naman ako nabayaran ng P850 million, at hindi rin nangyari na iyong na-cut iyong pagsasalita ko sa isang TV show when I was trying to explain myself. Those things are not true.”

Pagsikat ni Alice

Matatandaan na sumikat ang aktres noong late 1980s sa mga pelikula tulad ng Okay Ka Fairy Ko at Dyesebel. Subalit ang pinaka tumatak sa mga tao na tanda pa ng karamihan hanggang sa ngayon ay ang chismis tungkol sa kanya at sa taong ahas.

Ayos sa kwento noon, nasa bathroom ng Department store ng Robinsons Galleria ang noon ay dalaga pang si Alice. Nagustuhan umano siya ng taong ahas na nakatira sa basement ng nasabing mall kung kaya siya inatake.

Kambal na anak ng mga Gokongwei

Upang mapatahimik ay binayaran ng malaki ng mga Gokongwei na siyang may ari ng mall ang aktres. Ang taong ahas ay anak umano ng mag asawang Gokongwei at kakambal ng dalaga nila noon na si Robina Gokongwei.

Ang taong ahas ang nagsisilbi umanong lucky charm ng mga Gokongwei lalo na at noong panahon na iyon ay kasagsagan ng pagkakarera ng mga Gokongwei at Henry Sy sa pagpapalago ng kanilang shopping mall.

Dahil sa sobrang lakas ng usap-usapan noon ukol dito na tumagal pa ng ilang taon ay naging plot na rin ito sa isa sa mga pelikula ng Regal Films na Shake Rattle and Roll.

Sa ganda ni Alice ay hindi malabong magustuhan siya ng mga kalalakihan, maging tunay na tao man iyan o taong ahas. Kahit hanggang sa ngayon ay tila hindi tumatanda at kumukupas ang ganda nito.

Source: MSN Entertainment

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: