Press "Enter" to skip to content

Aljur Abrenica, Balik Kapuso Na Nga Ba?

Isa sa mga ABS-CBN artists na pinapatutsadahan ng netizens ay ang aktor na si Aljur Abrenica dahil sa pagiging tahimik nito ukol sa isyu ng franchise renewal. Kabaliktaran aniya ito ng kapatid nyang aktor na si Vin Abrenica na syang all-out support sa pagbibigay ng prangkisa sa kanilang home network.

Pro-Franchise

Sa Zoom presscon ng bagong pinagbibidahang movie ni Aljur Abrenica, ang Escape From Mamasapano, nagbigay ito ng kanyang panig ukol sa franchise renewal issue. Klinaro nito na pro-franchise renewal ito. Saad nito,

Aljur Abrenica, Balik Kapuso Na Nga Ba? 2

“Well, we have our own fight.”

Hirit pa nito,

“Hindi naman sa hindi ako vocal… actually, pro-franchise po ako.”

Dagdag pa ng aktor,

“Siyempre, that’s my mother network now. Marami rin silang naitulong sa akin. Pero it’s beyond me. Ibig kong sabihin, their fight is their fight.”

Babalik nga ba?

Sa tanong kung posible nga ba itong bumalik sa Kapuso Channel, sinagot nito na open naman ito sa posibilidad. Gayunpaman, ang tinututukan nito sa ngayon ay ang kanyang pamilya at seguridad nito.

“Ako, open naman ako,”

Pahayag pa nito,

“If doon ako pupunta sa path na ‘yon, but right now kasi, ang focus ko talaga is family, security nila, and whatever means that I can do, like, supporting my wife, studying other businesses”

Narito naman ang kanyang pahayag sa aason kujg bakit nito tinanggap ang proyekto na syang pagbibidahan nila ni JC De Vera,

“So, right now, kaya tinanggap ko yung project na ‘to is because passion ko talaga is acting.”

Kaya naman, kung bukas ang pagkakataon na makalipat itong muli sa dating home network, hindi nito isasara ang kanyang pinto. Gayunpaman, sa ngayon ay wala pa sa hinuha nito ang pagkatok sa pintuan ng network na nagpasikat sakanya.

“May goal talaga ako when it comes to the industry, pero kung kakailanganin niya yung network at nag-a-agree yung network, same sila, pati yung audience are asking na, why not?”

Kapuso

Si Aljur Abrenica ay isang produkto ng Starstruck, isang artista search sa Kapuso channel. Sya ang pinalad na nakakuha ng titulong Ultimate Hunk noong 2006.

Bandang 2014 naman ng magsampa ng kaso si Aljur laban sa GMA ukol sa rescission ng kanyang exclusive contract sa network. Nang matapos nito ang kontrata ay sya namang paglipat nya sa Kapamilya channel. Huli itong napanood sa action-drama na Sandugo noong Sept 2019 hanggang March 2020.

Source: PEP.ph

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: