Press "Enter" to skip to content

Alkalde Ng Bicol, Umapila Matapos Ilagay Sa GCQ Ang Kanilang Lugar Sa Gitna Ng Padagdag Na Bilang Ng Mga Nag Positibo!

Manila, Philippines – Umapila si Mayor Noel Rosal matapos idineklara ng IATF kahapon na hindi na kasali sa Enhance Community Quarantine (ECQ) ang kanilang lugar. Ito’y matapos na pa-dami ng padami ang kaso ng nag positibo sa Legaspi City.

Ang pag deklara

Nag bigay ng sentemyento ang alkalde matapos idiniklara ng Presidential Spokesperson, Harry Roque ang updated na listahan ng mga lugar na hindi na kasali sa ECQ na ibinigay ng Inter Agency Task Force (IATF) kahapon.

Alkalde Ng Bicol, Umapila Matapos Ilagay Sa GCQ Ang Kanilang Lugar Sa Gitna Ng Padagdag Na Bilang Ng Mga Nag Positibo! 2
Photo credits: Bombo Radyo

Ayon sa Facebok post ng alkakde,

“Just in! Tinanggal na po sa latest advisory ng Malacanang ang Albay sa extended community quarantine (May 1-15) Pero wait, baka akalian natin na Covid free na tayo. Hindi pa po! Under General Community Quarantine (GHQ) pa din tayo. Delikado po ito. Kagaya ng ngyari sa Singapore, nag-open lang ng kunti nag resulta ng libo-libong kaso ng Covid19. HINDI PO TAYO HANDA PARA SA GCQ!”

Pag apila

Ngayong araw na ito, kinompirma ni Rosal na siya ay nakikipag usap na sa Department of Health (DOH) Regional Director Dr. Ernie Vera para mag sumite ng apila na huwag isama ang Legaspi City sa GCQ bagkos ipagpaptuloy pa din ang ECQ sa kanilang lugar hanggang Mayo 15.

Alkalde Ng Bicol, Umapila Matapos Ilagay Sa GCQ Ang Kanilang Lugar Sa Gitna Ng Padagdag Na Bilang Ng Mga Nag Positibo! 3
Photo credits: Facebook

Dagdag pa ni Rosal, hindi pa handa ang ciudad na ipatupad ang GCQ sa kanilang lugar dahil sa lomolobo na kaso ng mga nag po-positibo sa nasabing sakit.

Ginagawang hakbang

Sa ngayon ang Albay ay nasa ilalim pa din ng Enhance Community Quaranting (ECQ) hanggang sa katapusan ng Abril. Nag papatupad din ang alkalde ng malawakang pag ronda ng mga awtoridad at pag dakip kug sino man ang mahuling lumabag sa nasabing panukala.

Dagdag pa dito, inihayag ni Mayor Rosal ang pag bili ng separate COVID testing machines para sa ciudad ng Legaspi para mapabilis at mapalawak pa ang pag susuri ng mga residenteng nag positibo sa nakamamatay na sakit.

Alkalde Ng Bicol, Umapila Matapos Ilagay Sa GCQ Ang Kanilang Lugar Sa Gitna Ng Padagdag Na Bilang Ng Mga Nag Positibo! 4
Photo credits: Bombo Radyo

Samantala, plano na din ng alkalde na mag pa-mass testing na din sa kaniyang nasasakupan partikular na ang ang Brgy 28 Victory Village North. Ito ay matapos na may panibagong kaso na naman ng naitala mula sa nasabing lugar. Ayon pa kay Rosal, sa ngayon ay hinihintay niya na lamang ang advise ng mga taga Department of Health (DOH) para masimulan na ang nasabing pag susuri.

Sa ngayon, naka full lockdown ang nasabing lugar dahil sa pag lobo ng mga nag popositibo mula sa nasabing Village. Nagsisimuka na din ang contact tracing sa mga ito.

Bagong kaso ng mga positibo sa lugar

Ayon sa datos ng DOH Bicol, mayroon naitalang tatlong panibagong nag positibo na kaso sa nasabing ciudad.

Si patient #36, babae na may edad 28yo. Isang health worker. On and off ang sakit simula March 30. Nagpa konsulta sa Bicol Regional Training Teaching Hospital (BRTTH) noong April 27.

Si patient #37, lalake na may edad 54 anyos. Aymptomatic. At nagtatrabaho sa Bicol Regional Training Teaching Hospital (BRTTH).

Alkalde Ng Bicol, Umapila Matapos Ilagay Sa GCQ Ang Kanilang Lugar Sa Gitna Ng Padagdag Na Bilang Ng Mga Nag Positibo! 5
Photo credits: DZGB News Online

Si patient #38, 56 years old. Asymptomatic at isang health worker.

Pusposan naman ang sinasagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga bagong positibong pasyente. Samantala, nanawagan naman si Rosal sa kanyang mga nasasakupan na manataili sa bahay at sumunod sa batas upang makaiwas sa sakit.

Dagdag pasilidad sa hospital

Samantala, malaking pasasalamat naman ni Rosal sa dalawang bagong dating na mga testing swab booth na binigay ng Ako Bicol Partylist.

Alkalde Ng Bicol, Umapila Matapos Ilagay Sa GCQ Ang Kanilang Lugar Sa Gitna Ng Padagdag Na Bilang Ng Mga Nag Positibo! 6
Photo credits: DGZB News Online

Ani pa ni Rosal, mas makaka-tulong ang nasabing bagong dating na swab booth para maprotektahan ang mga frontliners habang kinukuhanan ng sample specimen ang mga pasyente sa Covid-19.

Source: DZGB News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: