Press "Enter" to skip to content

Ama Patay, Habang Ang Sanggol Na Anak Ay Sugatan Sa Pamamaril

Negros Oriental- Isang ama ang namatay matapos itong pagbabarilin sa bayan ng Sibulan noong Miyerkules ng gabi ika- 27 ng Mayo, habang sugatan naman ang kanyang anak na nadamay sa insidente.

Ang biktima

Nang gabing iyon ay nakaupo diumano ang amang si Reynold Paquit 34 taong gulang sa labas ng kanilang bahay sa Shin Village, Sitio Campaclan sa Barangay Poblacion, habang ang kanyang anak na 6 na buwang gulang ay nasa kanyang kanlungan ng mangyari ang pamamaril.

Si Reynold ay kilala sa alyas bilang “Junjun” sa kanilang lugar at ayon sa hepe ng Sibulan Police na si Police Capt. Enreque Asonio, nasa drugs watchlist diumano si Paquit.

Ang krimen

Ayon sa isinagawang imbestigasyon noong gabing iyon habang nakaupo ang mag-ama sa tapat ng kanilang bahay ay bigla na lamang may apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo ang pinagbabaril ito. Walang pagkakakilanlan sa nasabing mga lalaki na bumaril dito. Ang mga biktina ay dinala sa ospital pero binawian na ng buhay ang ama at ang anak naman ay sugatan dahil sa tama ng baril sa hita nito.

Ang Krimen- Mag-ama
Photo Credit: Abscbn

Dagdag pa sa imbestigasyon ng pulisya na ang pangalan ng biktima ay kasama sa mga responsable sa nangyaring pamamaril sa isang balut vendor Pebrero ng kasalukuyang taon. Isa ito sa mga tinitignang anggulo ng mga pulisya sa marahil dahilan ng pamamaril dito.

Ang litrato

Ang litrato ng insidenteng pamamaril sa mag-ama ay kuha ng isang netizen na si Roy Ortega. Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa pangyayari at sa pagkakakilanlan ng mga nasabing lalaking bumaril sa mag-amang biktima na ito.

Para sa iba pang mga impormasyon at balita bisitahin ang Pinasbalita.org

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: