Press "Enter" to skip to content

Amang Gusto Gumanti Sa Asawang OFW, Kinumpiska Ang Mga Selpon Ng Anak Na Ginagamit Sa Online Class

Nirereklamo ng asawang OFW sa Kuwait ang kaniyang live-in partner na nasa Pilipinas matapos na idamay at ibunton nito ang galit sa kanilang apat na anak.

Away Mag-Asawa

Sa segment ng Raffy Tulfo In Action, sinalaysay ni Almie Garcia na isang OFW sa Kuwait. Ani ni kabayan, ang kaniyang live-in partner na si Tatay Peter Mateo ay dinadamay at iginaganti sa kanilang mga anak ang galit nito sa asawa.

Amang Gusto Gumanti Sa Asawang OFW, Kinumpiska Ang Mga Selpon Ng Anak Na Ginagamit Sa Online Class 2

Ayon kay Almie,

“Matagal na po talaga niya ako hindi kinakausap at ayaw niya rin po sakin ipakausap yung mga bata. Hinahayaan ko na lang po dahil kahit papano, nakakabalita naman ako at nakaka usap ko naman Nanay ko.”

Dagdag pa dito ay ang pag kumpiska ng mga ginagamit na selfon ng anak sa Online class at ang pag putol ng wifi connection nila upang tuluyang hindi makausap ang Inang nasa Kuwait. Kaya naman lubos ang hinagpis nito dahil pati mga bata ay nadadamay sa problema nilang mag partner.

Amang Gusto Gumanti Sa Asawang OFW, Kinumpiska Ang Mga Selpon Ng Anak Na Ginagamit Sa Online Class 3

Ani pa niya,

“Pero ngayon po na dumating ang Online class at bukas ngayon Oct 5, ang sakin lang po makapag aral ng maayos ang mga bata. Ngayon po, Pinutol niya na mismo ang WiFi at Kinumpiska niya na ang mga selpon ng mga bata. Ang mga anak ko may tig-iisang selpon pra maka-aral pero kinuha niya po.”

Sambit pa,

“Yung mga bata, natatakot na kasi kapag kinakausap ko nagsasabi sila na ‘huwag mo na kausapin dahil nagagalit si Papa.”

Hindi pagkaintindihan

Kwento pa niya, Nagsimula ang away nilang mag-partner dahil sa paulit-ulit na pambababae ni Peter. Kahit na wala siyang ibang ginagawa kundi kumayod para sa pamilya at halos mabalow na sa lungkot dahil siya ay malayo sa mga anak nito ay pinagbibintangan pa siya ng kaniyang live-in partner ng kasalanang hindi niya naman ginawa.

Ani niya,

“Dati po kasi nagmamabae siya ng andito na po ako. Tapos po nahuli ko siya at pinalampas ko po yun. Tapos simula po noon, ako na ang parati niya pinag bibintangan na nanlalake ako dito.”

Amang Gusto Gumanti Sa Asawang OFW, Kinumpiska Ang Mga Selpon Ng Anak Na Ginagamit Sa Online Class 4

Kaya halos di maatim ni Almie na mismong kaniyang partner ang nagsasabi sa kaniya na nagpapasarap lang ito ng buhay sa Kuwait, na kabaliktaran mismo ng kaniyang tunay na kalagayan.

Dagdag pa,

“Araw-araw dati minumura niya ako, lahat ng masamang salita at pambabastos. Lahat na po ng tao nilapitan ko, sabi niya po sakin na wala siyang paki alam kung pumunta ako sa Barangay.”

Palusot ni Mister

Sa panayam ni Idol kay Mateo kaniyang iginiit na hindi niya Kinumpiska ang mga selpon ng mga bata at lalo na din na hindi niya ito tinanggalan ng WiFi. Ayon pa kay Mateo, dahil nag pandemic ay hindi siya nakabayad ng maayos ng mga bills sa bahay kaya humihingi at binibigyan na lamang daw siya ng pera ng kaniyang kapatid.

Ngunit ang lahat ng ito ay taliwas naman sa sinasabi ni Almie sapagkat ayon sa kaniya ay buwan-buwan siya nagpapa dala ng pera kasama na doon ang pambayad ng mga bills at gastusin sa bahay. Pinabulanan din ng kapatid ni Almie na nagsisinungaling si Mateo dahil mismong siya ang naka kita na nagpadala ang kaniyang utol ng 30k kada buwan sa kaniyang asawa para sa kanilang gastusin sa bahay.

Aniya,

“Kumpleto po lahat ang padala ko, andito po lahat ng resibo. Kahit na nagpandemic, nagpapa dala po ako. Pinakamababa na po ang 25 thousand madalas 30 thousand sa isang buwan. Pinapadala ko lahat ng sahod ko dahil ayaw ko sila mawalan o magutom ang mga anak ko.”

Kaya naman tumawag ng saklolo si Idol sa mga Pulis at agad nitong ipinapakita ang mga bata dahil sa bin-brainwash nito ang kaniyang mga anak. Mismong sa bunganga kasi ng kanilang anak nangaling ang salitang “Kaya di namin nakaka usap si Mama dahil di namin hawak ang selfon” na kabaliktaran sa kaniyang unang sinabing salaysay kay Idol.

Halatang halata din na tinatakot ng kanilang Tatay ang mga anak nito para hindi ito mag sumbong o I kwento kainuman ang ginagawang kabulastugan ng kanilang Ama at kabit nito.

Kasong haharapin

Ayon kay Atty Gareth, Pyschological violent na pasok sa RA 92 kung saan violence against women and children. Bukod pa diyan, dahil hindi kasal si Almie at Mateo ay wala siyang karapatan sa mga bata o pagbawalan ang mga ito. Dapat din Anya ay ilipat ang custody ng mga bata sa ibang tao na malapit ki Almie habang siya ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Dapat din na magkaroon ng formal demand na Iturn-over ang bata sa bagong kustodiya dahil walang kapasidad ang Ama na buhayin ang mga ito lalo na’t hindi naman sila kasal. Ang tanging karapatan lang ng Ama ng mga bata at ang pag bisita at pagdalaw nito sa mga anak.

Sa ngayon ay i-lilipat na sa pangalan ng kapatid ni Almie ang kustodiya ng mga bata habang siya ay nasa ibang bansa. Samantala ay pinapabilis na din ni Idol ang pag usad ng kaso sa Korte upang mabigyan ng leksyon si Peter.

SOURCE: YouTube – Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: