Press "Enter" to skip to content

Amang Nangangalakal Para Matustusan Ang 4-Yr Old Na Anak, Kinabiliban Ng Netizens!

Kinabiliban ng isang litratista ang pagpupursige ng isang ama na magtaguyod para sa kanyang anak habang sila ay nakatira sa isang maliit na kariton sa gilid ng Pasig river. Kasama ng homeless na tatay ang kanyang apat na taong gulang na anak.

Viral post

Viral ang post ni Nonie Reyes ukol sa mag-ama na sina Rodel at Ruben Mojica na naninirahan sa lansangan. Makikita sa larawan ang maliit nilang barong-barong na bahay sa Makati. Namumuhay ang mag-ama sa pamamagitan ng pangangalakal at pagbebenta ng mga ito sa junk shop.

Amang Nangangalakal Para Matustusan Ang 4-Yr Old Na Anak, Kinabiliban Ng Netizens! 2

Ayon sa tatay, anuman ang hirap na pagdaanan, hanggat kasama nito ang kanyang anak ay masaya na ito.

“Kahit gaano kahirap ang buhay, basta kasama ko ang anak ko dito sa bahay namin masaya na ako,”

Kariton house

Dagdag pa riyan, kuntento na umano sila sa maliit na bahay nila at sapat na aniya ito para maprotektahan sila mula sa ibang elemento.

Amang Nangangalakal Para Matustusan Ang 4-Yr Old Na Anak, Kinabiliban Ng Netizens! 3

Mainam na rin umano na mayroong gulong ang kanilang mala-rolling kariton house upang mas madali sa makaalis sa pwesto sa mga panahong pinaaalis sila sa tinitigilang lugar.

“Kahit may gulong ang bahay namin okay na rin ito kasi minsan pinapaalis kami dito sa pwesto namin, kasi itutulak ko lang ayos na, pwede na kaming lumipat ng lugar ng anak ko.”

Nilagyan din aniya ito ng bubong bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan.

“Nilagyan ko na nga ng bubong ito, kasi tag-ulan na. Hindi na kami mababasa pag umulan,”

Biyaya sa pangangalakal

Sa kabilang banda, namayapa naman mula sa sakit na TB ang asawa ni Mang Rodel noong nakaraang taon. Simula noon, madalas umiyak at maghabol ang anak nito sa tuwing kinakailangan nito umalis at mangalakal. Kaya naman, hinihintay muna ni Mang Rodel na makatulog ang anak saka ito kakayod para magtrabaho.

Amang Nangangalakal Para Matustusan Ang 4-Yr Old Na Anak, Kinabiliban Ng Netizens! 4

Mula sa pangangalkal ng basura, nakakakuha ito ng mga damit at laruan na ibinibigay nito sa kanyang anak. Ngunit minsan, may mga bagay na hindi na maaaring ipamana sa kanyang anak.

Pamana ni misis

Ayon pa kay Mang Rodel, paborito ng kanyang anak na si Ruben ay kumain ng pizza. Kaya naman sobra ang lungkot nito nang minsan ay may dumaan na nagtitinda ng pizza at hindi nya maibigay ang nais ng kanyang anak. Ganunpaman, buo ang loob ni Mang Rodel na gawin ang lahat para sa kanyang anak. Kahit pa man makulit at malikot, mahal na mahal nito ang anak na syang tanging pabaon sakanya ng namayapang asawa.

“Hindi ko iiwanan ‘to kahit anong mangyari. Kahit makulit ‘to mahal na mahal ko ‘to e. Ito na lang ang naiwan sa akin ng asawa ko e,”

Kinabiliban

Bilib na bilib ang netizens sa pagpupursige ni Mang Ruben para sa pangangailangan nila ng kanyang anak. Hangad ng marami ay mahatiran ng tulong ang mag-ama.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: