Press "Enter" to skip to content

Amnesty Program Sa Kuwait Dinagsa Ng Mga Undocumented At May Absconding Cases Na OFW

Dinagsa ng mga Pilipinong undocumented at may absconding cases ang amnestiya ng Kuwait simula nang magbukas ito noong Abril 1. Ang humanitarian grant na ito na magtatagal hanggang Abril 5 ay naglalayong mapigil ang paglaganap ng COVID-19 sa naturang bansa.

Paglilinaw

Nilinaw ng embahada ng Pilipinas na ang maaari lamang mabigyan ng amnestiya ay ang mga Pilipinong may expired residence visa o Civil ID at mga kinasuhan ng amo ng absconding o pagliban sa trabaho.

Amnesty Program Sa Kuwait Dinagsa Ng Mga Undocumented At May Absconding Cases Na OFW 2

Kapalit ng pagpapatawad sa mga paglabag ay kinakailangang makaalis ang mga expatriate mula Abril 1 hanggang Abril 30.

Mga benepisyo ng amnestiya

Hinimok ni Consul General Mohd. Noordin Pendosina N. Lomondot na samantalahin ang programang ito dahil na rin sa mga benepisyong nakapaloob dito. Matatandaang nagbigay na rin ng amnestiya ang pamahalaang Kuwait noong 2018.

“I hope that Filipinos with expired residence visas and absconding cases will take advantage of the amnesty program of the Kuwaiti government, similar to how more than 5,000 of our kababayan availed themselves of amnesty in 2018,”

– Consul General Lomondot
Amnesty Program Sa Kuwait Dinagsa Ng Mga Undocumented At May Absconding Cases Na OFW 3

Ang mga mabibigyan ng amnestiya ay hindi na makukulong o pagbabayarin ng multa. Pagkakalooban din sila ng libreng tiket pabalik ng Pilipinas at pansamantalang shelter na may kasama pang pakain. Sinisiguro din ng programang ito na mabibigyan sila ng pagkakataong makabalik muli sa Kuwait 

Mabilis at madaling proseso

Naglaan ng libreng sakay ang embahada ng Pilipinas at mga organisasyon sa Kuwait upang maihatid ang ating mga kababayan sa processing centers. Kinakailangan lamang na dalhin ng aplikante ang pasaporteng may bisa pa at 2 bagahe, isang 20 kilos na check-in at isang 7 kilos na hand carry. 

Mayroon ding mga empleyado ang embahada sa nasabing lugar upang magproseso ng Travel Document sa mga walang pasaporte. Kailangan lamang magdala ng 3 passport size ID photo na may asul na background at kopya ng pinakahuling pasaporte, Civil ID o entry visa sa Kuwait.

Amnesty Program Sa Kuwait Dinagsa Ng Mga Undocumented At May Absconding Cases Na OFW 4

Ang mga naaprubahang aplikante ay ihahatid na agad sa itinalagang shelter ng Ministry of Interior (MOI). Dito sila mamamalagi habang hinihintay ang kanilang pagbabalik sa Pilipinas. Ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mangangasiwa sa pansamantalang matutuluyan ng ating mga kababayan pag-uwi sa bansa.  

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: