Press "Enter" to skip to content

Anak Binalot Ng Plastic, Mayakap Lamang Ang Ama Na Isang Frontliner

Isang bata mula sa lungsod ng Negros Occidental ang naging usap-usapan sa social media. Si Gabrielle Heart Palacios, 3 taon, ay binalot ng plastic para lamang mayakap niya ang kanyang ama na isang frontliner.

Hiling sa kaarawan

Sa papalapit na kaarawan ni Heart, hiniling niya na sana ay makadalo ang kanyang ama. Hindi nga siya binigo nito, pero dahil sa panganib na dala ng COVID19, nasa malayo lamang ang kanyang ama at hindi ito lumapit. At napakasakit nito para sa isang ama, ganun din sa kanyang mga anak.

Anak Binalot Ng Plastic, Mayakap Lamang Ang Ama Na Isang Frontliner 2
Source: Facebook

Sa pagnanais ng kanyang mga anak na mayakap ang kanyang ama. Binalot si Heart ng plastic bag para lang makalapit siya dito. Makikita sa mga mata ng bata ang kaligayahan na nararamdaman niya sa mga oras na kayakap niya ang kanyang ama.

Masaya sina Angela Gabrielle at Gabrielle Heart, mga anak ni Raphael dahil kahit sa maikling oras ay nakapiling nila ang kanilang ama. Naniniwala silang darating ang araw na matatapos din ang lahat ng ito. At sa pagdating ng araw na ‘yun ay magkakasama din sila.

Frontliner si Papa

Isang frontliner si Police Master Sergeant Raphael Palacios. Isa siyang pulis na kailangan tuparin ang kanyang tungkulin lalo ngayon sa kinakaharap natin na krisis. Dahil nga sa tawag ng tungkulin, mas ginusto ni Raphael na lumayo na lang muna sa kanyang pamilya. Ayaw niya na siya pa ang magdulot ng sakit sa mga ito.

Anak Binalot Ng Plastic, Mayakap Lamang Ang Ama Na Isang Frontliner 3
Source: Facebook

Hindi lang si Raphael ang nahirapan sa sitwasyon nila, maging ang kanyang mga anak. Walang araw na hindi nila ninais na makapiling ang isa’t-isa. Pero walang pagpilian ang kanilang ama . Dahil bukod sa pagiging ama at haligi sa kanilang tahanan, may tungkulin din siya na dapat tuparin.

Dahil sa COVID19

Wala ng sasakit pa sa isang ama na makitang nalulungkot ang kanilang mga anak. At walang paglalagyan sa nararamdaman na sakit kapag nakitang lumuluha ang iyong mga anak. Pero ang mas masakit sa lahat, na bilang ama wala kang magawa para maibsan ang kanilang lungkot.

Anak Binalot Ng Plastic, Mayakap Lamang Ang Ama Na Isang Frontliner 4
Source: Facebook

Dahil sa COVID19, maraming tao ang naapektuhan, maraming nagutom, maraming naghirap, at maraming pamilya ang kailangan maghiwalay. Bilang isang frontliner, ramdam ni Raphael ang lungkot sa pagkakawalay niya sa kanyang pamilya.

Mahirap isipin na sana kapiling siya ng kanyang mga anak, pero nasa labas siya at tinutupad ang kanyang tungkulin. Tungkulin niya na pangalagaan ang mga mamamayan. Mga mamamayan na matitigas ang ulo, na kahit pinagbabawalan lumabas ay labas pa rin ng labas.

Narito ang video ng mag-ama na nagkita at nagyakap ulit.

Habang nakabalot sa plastic bag ay natupad ang birthday wish ng isang bata at ang kaniyang kapatid na makasama ang kanilang tatay na frontliner.

Posted by GMA News on Tuesday, April 21, 2020

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: