Press "Enter" to skip to content

Anak Ni Sharon Cuneta Na Si Frankie Pangilinan, Pinagbantaang Gagahasain

Last updated on June 24, 2020

Ikinagalit ni Megastar Sharon Cuneta ang post ng isang netizen dahil sa walang takot nitong idinamay ang kanyang anak na si Frankie, na nagkomento pagtutol sa “r4pe”, kamakailan.

Ang post

Si Sonny Alcos, pinoy na naninirahan sa London at isang self proclaimed DDS, ay mariin ang pagtuligsa sa Juvenille justice law na ipanasa sa Senado ni Senador Francis Pangalininan, na tinawag niyang “kiko matsing”.

Anak Ni Sharon Cuneta Na Si Frankie Pangilinan, Pinagbantaang Gagahasain 2
Photo Credit: Kapamilya Online World

Marami ang kontra sa nasabing batas. Ito ay sa kadahilanan nga na hindi pagkukulong sa menor de edad at pagtanggap na mas magaan na parusa, anumang krimen ang gawin nito. Hindi gaya ng sinasapit ng nasa hustong gulang na kriminal. Ngunit, ang paraan niya sa pagkondena sa batas ni Sen. Pangilinan ay nagpagalit at nagpapikon kay Shawie.

Buwelta ni Mega

Kung binantaan ang anak niya na gagahasain, banta rin ang resbak ni Sharon.

Aniya,

“I will personally make sure this kababuyan you have posted to disrespect my daughter in this despicable, malicious and insidious way will be of great interest to them. I am also forwarding this to Sec. Meynard Guevara who has been my friend and lawyer since 1992. Hahanapin kita. I will find you. You face me, you coward. Duwag. Tandaan mo kung sino ako”.

Sa pahayag ni Mega, nais niya ng agarang katarungan at aksyon laban sa sumalbahe sa kanyang anak. Nanindigan siya na magbabayad ang nasabing netizen .

Dagdag pa niya,

” You crossed the line, God help me and the law…hindi kita patatahimikin. Tandaan mo ito: Ako ay anak ni Pablo P. Cuneta. Mali ang binangga mo, demonyo ka.”

Mukang may kalalagyan si Mr. Alcos. Hindi ito palalampasin ng Mega star.

Na hacked daw

Dahil trending ang comment ni Sharon, napilitan magbigay narin ng side nila ang kampo ni Alcos. Ito ay nagmula sa kaibigan ng pamilya, na may twitter username na @tr1pnaut1k. Ang comment niya na may caption na “Ayun na nga, na-hack daw yung account. Walang maniniwala sayo.”

Aniya,

“I know their family since grade school. Sana di mavictimize ng hackers family niyo and di nyo ma experience yung ma eexperience nila. GOD BLESS po.

Anak Ni Sharon Cuneta Na Si Frankie Pangilinan, Pinagbantaang Gagahasain 3
Photo Credit: Philnews.ph

Marami sa mga netizens ang naniniwala na palusot lang ito ni Mr. Alcos. Ngayon lang niya siguro na pagtanto na ‘di biro ang binangga niya. Sa kabilang banda, nakaani ng suporta mula sa mga fans at kapwa artista si Sharon, na bumilib sa kanyang pagiging ina.

Source: Kapamilya Online World

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: