Press "Enter" to skip to content

Anak, PinagtAtAga Ang Nanay Dahil Sa Ayuda

Isang ginang ang pumanaw matapos hatawin ng tAGa ng kanyang anak dahil lamang sa ayuda. Nangyari ang insidente sa Barangay Amlang sa Rosario, La Union.

Away sa pera

Paulit ulit na taga ang tinamo ng isang ginang mula sa kanyang anak dahil lamang sa pera. Bagaman naisugod pa sa ospital ang biktima, idineklara itong D34d in arrival o DOA ng ospital. Ayon sa pagiimbestiga ng kapulisan, nagsimula ang away matapos hindi diumano bigyan ng pera ng ginang ang kanyang anak mula sa ayuda na natanggap sa gobyerno. Ang ginang ay napasama sa mga benepisaryo ng Social Amelioration Program o cash assistance na ipinamamahagi ng gobyerno na syang lubos na apektado ng pinagdadaanang krisis ng bansa dulot ng covid-19. Ang 34-taong gulang na suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Rosario Police Station.

Anak, PinagtAtAga Ang Nanay Dahil Sa Ayuda 2

Bigas at pagkain

Komento ng mga netizen, dapat sana ay pagkain na lamang o goods ang ipamigay ng gobyerno imbis ng pera. At hiling ng mga ito na maging patas ang pamimigay sa lahat ng pamilya kahit ano pa man ang estado nito sa buhay. Anila ay lahat naman ay nahaharap sa krisis ngayon, mayaman man o mahirap. Ang pagpapamigay anila ng pera ay naging instrumento upang lumabas ang tunay na ugali ng ibang tao tulad ng pagiging sakim sa pera.

Ikalawang kaso

Ayon pa sa isang netizen, ang pagkakap4sl4ng sa ginang ay ikalawang kaso na, na kung saan ay nauna nang pumanaw ang isang barangay captain mula sa San Pablo, Laguna dulot din ng girian ukol sa pera na hatid ng Department of Social Welfare and Development.

Anak, PinagtAtAga Ang Nanay Dahil Sa Ayuda 3

Ayuda

Sa ngayon, tuloy tuloy pa din ang pamahagi ng ayuda mula sa DSWD na kung saan ay maraming pamilya na rin ang nakatanggap. Bawat barangay ay nagkakaroon ng screening sa mga pamilya na pasok sa mga dapat mahatiran ng tulong ng gobyerno. Prayoridad ng ahensya na mabigyan ang mga pamilyang lubos na natamaan ng ECQ protocol at mga no work, no pay workers.

Spurce: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: