Press "Enter" to skip to content

Ang Dami! Eastern Police District Sa Pasig City, Nakalockdown Dahil Sa Mga Pulis Na Nagpositibo Sa COVID-19

Isinailalim ngayon sa lockdown ang Eastern Police District sa Pasig City matapos na makumpirmang mayroon ng 24 na pulis ang positibo sa coronavirus.

Lockdown

Ayon kay District director PBGen. Johnson Almazan, kinailangan nilang isailalim sa lockdown ang naturang police station dahil sa dami ng kumpiramdong kaso sakanilang kapulisan. Kasunod nito, pinaplano na rin nila na madis-infect ang headquarters hanggang Linggo upang masiguro ang kaligtasan ng iba pang empleyado.

Ang Dami! Eastern Police District Sa Pasig City, Nakalockdown Dahil Sa Mga Pulis Na Nagpositibo Sa COVID-19 2

Sa huling tala ng Philippine National Police nitong Miyerkules, ika-13 ng Mayo, mayroon ng 179 na kabuuang bilang ng mga pulis ang nakumpirmang positibo sa virus.

Frontliner

Bukod sa ating mga healthworkers, Isa rin ang mga kapulisan sa ating mga frontliners na tumutulong labanan ang pag-kalat ng COVID-19 sa bansa. Sila ay nakabantay sa bawat barangay upang masigurong safe ang lahat ng lumalabas at pumapasok sa isanglugar.

Ang Dami! Eastern Police District Sa Pasig City, Nakalockdown Dahil Sa Mga Pulis Na Nagpositibo Sa COVID-19 3
Photo credits to Philstar

At ang mga kapulisan na ito ng Eastern Police District ay maaaring tinamaan ng virus habang sila ay nagbabantay sa lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina, at San Juan.

Tuloy ang laban

Sa kabila ng dumadaming kaso ng virus sa mga kapulisan, siniguro naman nila na magpapatuloy pa rin sila sa pagbabantay. Sisiguraduhin pa rin nila ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa upang matapos na ang krisis na ating dinaranas.

Kooperasyon ng lahat

Samantala, kabi-kabila naman ang mga ulat tungkol sa mga hindi sumusunod sa mga patakarang ipinapatupad habang umiiral ang enhanced community quarantine sa bansa. Kung kaya naman nananawagan ang mga kapulisan sa ating mga kababayan na sumod sana ang bawat isa sa ating batas. Ito ay upang maiwasan na rin ang anumang kaguluhan at wala ng masaktan, pulis man o sibilyan.

Kapakanan lamang ng bawat isa ang kanilang pinangangalagaan kung kaya’t sana ay sumunod na lamang ang lahat.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: