Press "Enter" to skip to content

Dinepensahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang kanyang naging boto, na isailalim na ang kanyang lungsod sa GCQ.

Si Manila City Mayor Isko Moreno o “Yorme” ay dinipensahan ang kanyang naging boto, na isailalim na ang kanilang lungsod sa sinasabing General Community Quarantine ito ay sa pagtatapos ng Enhanced Community Quarantine sa darating na ika-15 ng Mayo.

Dahilan ng pag sang-ayon

Nangyari ang nasabing pag sang-ayon nito na isailalim ang kanilang lungsod sa GCQ sa isang naging pagpupulong na naganap kasama ng Metro Manila Council kaugnay sa mga empleyado at pangkabuhayan ng nasabing lungsod.

Ang dahilan-Manila GCQ
Photo credits: PTV

Sinabi nito na kung ang Enhanced Community Quarantine ay tumagal pa, ang mga pangkabuhayan at oportunidad ng mga trabaho ay maaring maghirap at makaapekto sa kabuuang ekonomiya ng nasabing lungsod.

Ang budget

Dagdag pa niya ay mahigit 2 bilyong piso na ang nagagamit nila sa budget ng kanilang lungsod bilang karagdagang cash subsidy at ang perang ito ay budget ng lungsod ng taong 2020 para sa pag papa-ayos sana ng mga kalsada ng Maynila.

Ang budget-Manila GCQ
Photo credits: PTV

Hindi naman itinatanggi ng nasabing Mayor na mayroon posibilidad na magkaroon ng pag double nang kaso ng COVID sa ilalim ng pagpapatupad ng GCQ. Mariin din naman nitong sinabi na, handa na ang kanilang lugar para dito. Kasabay nf kanilang patuloy na paggawa ng mga karagdagang pasilidad at pagpapahusay sa target nitong pangkalahatang pagsuri ng COVID19.

Ang datos

Sa latest na datos sa ika-13 ng Mayo ay nakapagtala ang nasabing lungsod ng 957 na kaso ng COVID-19, at 716 nito ay aktibo. Mayroon naman 1,177 ay pinaghihinalaan na maaring infected din at 380 sa mga ito ay may posibilidad naman, 153 naman ang nakarekober sa nasabi pa ding virus.

Ang datos- Manila GCQ
Photo credits: Manilagov

Sa ngayon ay nakapagdeklara na ng mga lugar na kabilang sa GCQ sa darating na ika-15 ng buwan pa ding ito, kabilang na ang CAR, REGION I, REGION II, at ang REGION III at ito ay tatagal hanggang sa ika-30 ng Mayo ito ay ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Source: PTV

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: