Press "Enter" to skip to content

Ang Galing Naman! Isang PWD Na NagTikTok, Pinusuan Ng Maraming Netizens

Hinangaan ng libo-libong netizens ang isang PWD na naki-#TikTokerist dahil sa talentong kanyang ipinamalas sa social media. Kahit pa sa kanyang kakaibang kondisyon, hindi siya nagpahuli sa pagbibigay ng saya at inspirasyon sa kanyang mga taga-suporta.

Atin siyang kilalanin

Pinanganak na walang paa at kulang ang daliri sa kamay si Diego Garcia mula sa Davao. Nangyari raw umano ito dahil sa ininom na pills ng kanyang ina bago siya ipagbuntis.

Ang Galing Naman! Isang PWD Na NagTikTok, Pinusuan Ng Maraming Netizens 2
Photo Credit: Diego Garcia

Si Diego ay isang social media influencer, singer, at dancer. Dahil sa kanyang hilig, hindi siya nagpahuli na makiTikTok dahil bukod sa ito’y kanyang libangan, para sa kanya naghahatid din daw ito ng saya at inspirasyon, maging sa kanyang sarili o sa ibang tao.

Pangmalakasang TikTok

Wala raw umanong nagudyok kay Diego na gumawa ng TikTok account at videos.

Aniya, ito ang nakikita niyang paraan para makapaglibang kasabay ng kanyang pagpapamalas ng saya at inspirasyon sa ibang tao.

Ang Galing Naman! Isang PWD Na NagTikTok, Pinusuan Ng Maraming Netizens 3
Photo Credit: Diego Garcia

Sa kanyang TikTok video, animoy lumulutang ang kanyang katawan. Ngunit nagulat ang marami dahil si Diego pala ay isang PWD.

Umapaw ang pagkamangha ng maraming netizens dahil sa talentong kanyang ipinamalas. Dahil dito, umani ang kanyang videos ng sandamakmak na likes, comments, and shares.

Pagsubok na kanyang kinaya

Sa isang panayam sa DNA Show sa SIRBISU Channel ni Nirro Marcelo, ibinahagi niya ang mga pagsubok na kanyang naranasan bunsod ng kanyang kapansanan.

Noong una, maraming tanong ang pumapasok sa kanyang isip at animoy kinukuwestiyon niya ang buhay na kaloob sa kanya. Dumating din sa punto na ikinukumpara na niya ang kanyang sarili sa ibang tao na kumpleto’t normal.

Ang Galing Naman! Isang PWD Na NagTikTok, Pinusuan Ng Maraming Netizens 4
Photo Credit: SIRBISU Channel

Naranasan din ni Diego na tuksuhin siya ng kanyang mga kaeskwela noong Elementary at High School, dahil nga sa hindi normal niyang pangangatawan.

Ngunit, sa kabila ng masasakit na salita’t panglalait, hindi raw siya nagpaapekto sapagkat naniniwala siya na walang maidudulot itong mabuti para sa kanya.

Kinalaunan, unti-unti niyang tinanggap ang kanyang buong pagkatao.

Kulang ngunit hindi hadlang

Sa bawat salitang namumutawi sa kanyang bibig, kitang-kita ang kanyang nais at determinasyon na makuha kung ano ang kanyang minimithi sa buhay.

Pangarap ni Diego na magkaroon ng maayos na pamumuhay, negosyo sa sarili at pamilya at magkaroon ng bahay. Ang lahat ng ito ay nais niyang makamtan sa abot ng kanyang makakaya.

Ang Galing Naman! Isang PWD Na NagTikTok, Pinusuan Ng Maraming Netizens 5
Photo Credit: Diego Garcia

Sabi niya,

“Wala namang bagay na hindi natin makakaya di ba, basta determinado lang po tayo.”

Kanyang pasasalamat

Sa huling bahagi ng panayam, pinasalamatan niya ang lahat ng mga humahanga at sumusuporta sa kanya.

Hinikayat niya ang mga tao na magsumikap sa buhay kahit pa sa gitna ng pagsubok na kinahaharap. Ganoon din ang kanyang pag-bibigay pag-asa sa mga tao na hindi tumigil sa pag-abot sa pangarap.

Aniya,

“Lahat tayo pantay-pantay po, at may karapatan na mabuhay at mangarap po.”

Panoorin ang kanyang TikTok Compilation.

TIKTOK COMPILATION

GALING MO MAG TIKTOK KUYA πŸ‘πŸ»πŸ‘πŸ»πŸ‘πŸ»subscribe his YOUTUBE CHANNELhttps://youtu.be/yFEo2cSjaWchttps://youtu.be/0pE7IAzmRAkhttps://www.youtube.com/watch?v=KJJm-L1swl4fb Page : diego pasatiempo garcia#godiepasatiempo

Posted by Teens On Line- Gorgeoustar Talent Agency on Saturday, June 20, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: