Press "Enter" to skip to content

Installment Payment Ang Offer Ng Globe Para Sa Kanilang Mga Postpaid Customer

Manila Philippines- Ang Globe Telecom Inc. ay nag-ooffer nang programa kung saan ang kanilang mga postpaid customer ay maaring magbayad ng kanilang mga bills sa loob ng 6 na buwan.

Ang pahayag

Ito ang naging pahayag ngayong Biyernes ika-15 ng Mayo kung saan sinabi ng Globe na ang kanilang programang ito ay para bigyan ang kanilang mga customer ng panahon sa pagbabayad ng mga bills nito, gaya na lamang ng mga pilipinong patuloy na humaharap sa mga pagsubok bunsad ng naging malawakang community quarantine.

Ang pahayag- Globe
Photo credits: Rappler

Ang maaring mag avail ng nasabing programa ay ang lahat ng mga mobile globe postpaid at mga home customers kasama nang may negosyo at mga negosyo na kanila pa ding suki. Ang programa ay magsisimula sa darating na ika-15 ng Mayo, 2020.

Ang programa

Sa ilalim ng programang ito ang mga konsyumer ay maaring bayaran ang kanilang kasalukuyang bill sa loob ng 6 na buwan. Ang mga konsyumer ay maaring mag-enroll sa programang ito sa pamamagitan ng online sa pagitan ng buwan Mayo 15 hanggang Hunyo 15. – ayon pa din sa Globe.

Ang programa- Globe
Photo credits: Asia-Pacific

Para naman sa mga may negosyong suki nito maaring makipag-ugnayan ang mga ito sa kanilang mga Globe account managers para sa pag-enroll dito at sa iba pang mga detalye.

Ang hangarin

Nauunawaan umano nila na marami sa kanilang mga konsyumer ang nangangamba sa mga bayarin dahil sa nangyaring community quarantine, kaya naisipan nito na magbigay ng ganitong programa. Umaasa naman na makatutulong ito upang makapagpagaan sa mga gastusin at makapagbigay ng lawak sa budget para sa iba pang pangangailangan ng kanilang mga kostumer, – ayon kay Ernest Cu, Globe President and CEO.

Ang Hangarin- Globe
Photo credits: ABS-CBN

Ang mga kostumer nila ay maaring tignan at bayaran ang mga bills ng ligtas at may seguridad sa loob ng kanilang tahanan sa pamamagitan ng Globe customer apps. Ang Gcash ay maari din gamitin bilang alternatibong pagbabayad, at sa mga may negosyo ay maari naman magbayad sa pamamagitanitan ng online banking at iba pang serbisyo. At para sa iba pang mga detalye tungkol sa programang ito ay maaring i-access ang kanilang Globe website.

Source: GMA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: