Press "Enter" to skip to content

Ang Katotohanan Sa Video Ng “Fake Dubbed” Ng Mga Artista Sa Anti-terror Law!

May video ng ilang mga celebrity ang kumalat sa social media kung saan ipinapakita nito ang pagsuporta ng mga ito sa ipinasang batas na anti-terror law, ngunit ang video ay edited at tinawag na “fake dubbed”.

Fake dubbed

July, 7 nang ipost sa facebook page na Huwag Tularan at may caption na “it is The Great Dictator Speech by Charlie Chaplin” na nakasalin sa wikang pilipino ang fake dubbed video ng ilang mga personalidad.

Fake Dubbed- Fake
Photo Credit: Dailymotion

Ang kontrobersyal na video ay pagpapakita ng pag suporta ng mga ito sa ipinasang batas na anti-terror law na pinirmahan ni Pangulong Duterte, ngunit isang fake at edited na diumano ito mula sa original na mga binigkas sa nasabing video na “fake dubbed”.

Ang pagsuporta

Sa edited video sa nasabing facebook page ay makikita ang mga salitang isinalin at pinalitan ng mismong nag-upload nito dito gaya na lamang ng sinabi ng celebrity na si John Llyod Cruz na..

“Kinalulungkot ko, pero ayoko maging terorista. Hindi ‘yan ang gusto ko”

Ngunit sa orihinal na sinambit nito sa totoong video ay hindi terorista kundi “diktador”.

Ang Pagsuporta- Fake
Photo Credit: Dailymotion

Ang ilan pa sa ginawan ng naturang dubbed ay si human rights lawyer Chel Diokno,

“Higit sa katalinuhan, kagandahang-loob ang kailangan, support anti-terror law.”

Sa orihinal na sinabi nito ay “Higit sa katalinuhan, kailangan natin ng kagandahang-loob at kabutihan.”

Ang original video

Samantala, ang original na video ng fake dubbed ay ipinalabas ng Voyage studios sa youtube noong July 5. Ang video ay may pamagat na “The Great Dictator Speech #JunkTerrorLaw #UnitedForDemocracy.” Isinalin naman ni Rody Vera ang naturang video sa pilipino na idinerek at inedit ni Gutierrez, kung saan featured ang ilang mga artista, politicians at ilan ding public figures mula sa magkakaibang sektor.

Original Video- Fake
Photo Credit” Dailymotion

Gayunpaman, ang speech caption na itrinanslate ni Vera ay hindi nagpapakita ng anumang puna tungkol sa terorista o pagpuna sa pagsuporta sa nasabing anti-terror law.

Sa huli ang video ay nagtapos sa mga salitang “Suportahan natin ang anti-terror law” at “Magkaisa tayo”.

Narito ang nasabing video

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: