Press "Enter" to skip to content

Ang Lupet! Isang Babae, Pinagpalit Ng Kanyang Asawa Sa “Baklang” Amo

Isang babae ang humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong laban sa kanyang asawa at amo nito. Pinagtutulungan siya umanong siraan, at naghiwalay silang mag asawa dahil sa amo nito.

Epal na amo

Ayon sa nagrereklamo na si Krystle Oliver, nagpilit sumiksik sa buhay nilang mag asawa si Edwin Mata na siyang amo ng asawa niyang si Joshua Cortez. Simula daw noon, lagi ng nababalewala si Oliver sa mga plano ng mag amo.

Ang Lupet! Isang Babae, Pinagpalit Ng Kanyang Asawa Sa “Baklang” Amo 2

Nakipaghiwalay umano sa kanya si Cortez dahil sa paninira ni Mata. Ang una umanong dahilan ni Cortez ay dahil may mahal na itong iba.

Ang Lupet! Isang Babae, Pinagpalit Ng Kanyang Asawa Sa “Baklang” Amo 3

Nang komprontahin ni Oliver ang sinasabing babae ay itinanggi nito si Cortez at sinabing wala itong balak pumatol sa asawa ni Oliver.

Turuan ni Mata at Oliver

Mula daw noon, ay sinisiraan na ni Mata si Oliver. Pinagbibintangan nito umano si Oliver na pumapatol sa ibang lalaki. Nais umano ni Mata na kupkupin ang asawa ni Oliver pati ang kanilang anak. Sa ngayon, magkasama sa iisang bubong si Mata at Cortez. Kaya naman hindi maiwasan isipin ni Oliver na bakla si Mata at may relasyon ang dalawa.

Ang Lupet! Isang Babae, Pinagpalit Ng Kanyang Asawa Sa “Baklang” Amo 4

Mariin naman itong itinanggi ni Mata. Aniya tuwid ang kanyang pagkalalaki at may sarili itong pamilya na nasa Canada sa ngayon. Sa totoo lang umano, si Oliver pa ang naninira sa kanya. Kung kaya naman humingi na umano siya ng tulong sa NBI dahil nasira ang pamilya niya dahil sa paninira nito.

Pagtanggi ni Oliver

Sa katunayan, kinanlong umano niya ang mag asawang Oliver at Cortez ng mahigit isang taon. Ngunit nagawa pa siya nitong siraan at pagnakawan. Kaya lamang sila magkasama palagi ni Cortez ay dahil umano sa si Cortez ang taga singil sa kanyang mga pautang.

Ang Lupet! Isang Babae, Pinagpalit Ng Kanyang Asawa Sa “Baklang” Amo 5

Hindi ito umano totoo ayon kay Oliver. Nilinaw nitong wala itong ninakaw na kahit anong bagay. Hindi din umano totoo na inakit niya si Mata. Gawa gawa lamang ito upang tuluyan siyang hiwalayan ni Cortez.

Pinaalalahanan ni idol Raffy na hindi dapat nakikialam ang amo sa buhay ng kanyang mga empleyado. Hindi rin umano tama na siraan ito sa social media. Kung nais umano niyang magmalasakit, dapat ay pag ayusin niya ito at hindi pag awayin pa lalo.

Tinanggihan ang alok

Inalok man ng negosyo ni idol Raffy si Cortez upang humiwalay kay Mata subalit tinanggihan lamang niya ito. Wala na umano siyang balak bumalik kay Oliver at anak lamang niya ang habol nito.

Ayon naman kay Oliver, wala siyang pakialam kung hindi sila magkabalikan. Nais lamang niya umano na tigilan na ng dalawa ang paninira sa kanya. Sa ngayon, tutulungan ni idol Raffy si Oliver at Cortez na makapag usap sa barangay. Pagbabanta niya, kung patuloy nilang pagtutulungan si Oliver ay siya na ang makakalaban nila.

Source: Youtube Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: