Manila Philippines- Nagpahatid ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang ng mga namatay na frontliners na nakipaglaban sa sakit na COVID-19. Ang kanyang pakikiramay na ito ay kanyang sinabi sa publiko sa isang panayam para sa espesyal na araw ng mga ina.
Ang mga sinabi
Ang pakikiramay na ito ng Pangulo ay kanyang sinabi noong Mayo 10 sa nasabing panayam. Sinabi nito na ang ang gumawa ng pinakamataas, ang marangal na pagsisikap na magagawa ng isang tao sa mundong ito ay, ang pag lingkuran ang yong kapwa tao, nasa inyo ang aming mabuting isip at panalangin.

Sinabi pa nito na lahat naman ng tao ay mamatay pero ang nagawa ng nasabing mga frontliners ay, yun ang naging dala nila sa naging pangkalahatan nilang pagkakakilanlan o isang la-ala, na sila ay may nagawa para sa kanilang mga kapwa.
Nagbibigay parangal
Kasabay nito nagbalik-tanaw at nagbigay din ng parangal ang Pangulo sa kanyang ina na si Soledad at sinabing dahil sa pagiging mabuting ina nito kaya ngayon siya ay naging Pangulo. Ang kanyang ina ay isang guro sa pampublikong paaralan sa kanilang lungsod (Davao) at yumao sa edad na 95 taong gulang nang taong 2012.

“I also remember my mother, Soledad. She was a very good mother to me. Look what happened. Naging presidente tuloy ako (I became president),” he said.
Resulta ng pagiging mabuting ina
Dagdag pa nito ngayong sya ay isa ng Pangulo sinabi nito na maaring ang kanyang ina ay masaya o nagulat kung paano nito narating ang kanyang posisyon bilang isang mataas na pinuno ng bansang Pilipinas.

Sa kanyang pagtatapos sa pakikiramay na ito ay sinabi pa niya na, maaring sya ay pinili umano ng Diyos upang magsilbi sa lokal na pamahalaan ng gobyerno at tumulong sa kanyang kapwa.
Source: ABS-CBN
Be First to Comment